Excited si Hivo habang papasok kami sa kompanya ng papa niya samantalang ako ay kinakabahan. Pag labas namin ng taxi ay tinignan ko ulit ang sarili ko. Suot ko ang off shoulder red dress na bigay sa'kin ni Angie last birthday. Gusto ko sanang maging presentable kahit pa-paano para hindi mapahiya si Steven. Ang anak ko naman ay suot ang polo shirt na binili namin sa kaniya ni Steven. Naka cap rin ito dahil gusto niyang suotin yung customized cap na pinagawa pa ng papa niya sa kakilala nito. May naka burdang 'I'm his son' sa gilid. Maliit lang, enough na makita ng ibang naka tutok. At 'I'm his father' naman kay Steven. Na deliver kanina kaya sinuot niya na agad. At nag insist na dalhin ang para sa kay papa niya. "Ma'am, ID please," pag harang ng guard sa'min. "Ay kuya wala po akong compa

