"Mama, gising na po," Hivo anak? Nasaan ka? "Kailan po magigising si mama lola?" Lola? Sinong lola? Nasaan ako? Nasaan kami ng anak ko? "Hindi ko alam hijo. Pero malapit na. Kailangan magising ni mama mo para sa kapatid mo," Kapatid? Sinong kapatid? Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nasaan ako? "Lola si mama, gising na po." Lumingon ako sa anak ko at sinuyod ang kabuuan ng lugar. Nasa isang kubo kami. "Salamat at nagising ka na hija. Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya. "Nahihilo po ako. Kayo po ba ang tumulong sa'min ng anak ko?" "Oo. Nahimatay ka nong kumatok ka sa'min para humingi ng tulong." "Salamat po ulit sa tulong ninyo. Pwede po bang malaman kung anong araw na ngayon?" "Mama, I think 2 weeks na po tayo dito. Masiyado pong mahaba ang tulog niyo mama." Nagulat

