Nagising si Steven sa gitna ng gabi at agad na tinignan ang babaeng katabi niya. Ang babaeng nakakuha ng attention niya mula ng dumating ito sa bahay niya.
Wala siyang ideya na isang babaeng napaka ganda pala ang papalit sa katulong na nag resign kamakailan. Wala siyang alam tungkol kay Ria na pumalit na kasambahay dahil kaibigan lang naman niya ang pinaasikaso niya tungkol dito.
Unang araw palang nang pumasok ito sa bahay niya na si Ria, dala nito ang isang maliit na bag na naka-tayo sa harapan niya habang uminom naman siya ng kape ay napatitig na agad ito sa mukha ng dalaga.
Para kay Steven, si Ria ang pinaka magandang babae na nakita niya. Pero ang dalaga ay tila mailap at naiilang sa kaniya na ikinainis niya sa hindi niya malamang dahilan.
Sinusungitan niya ito pero palihim na pinagmamasdan pag naglilinis. Hindi niya alam kung bakit parang tila napako na yata ang mga mata niya sa bagong katulong niya.
Sinusubukan niyang makipag-usap dito pero halatang hindi kompotable ang dalaga sa presensya niya.
Hindi niya akalaing katulong niya ang isang magandang dilag na kagaya ni Ria. Para kay Steven, ang kagaya ni Ria ay maaaring galing sa isang marangyang pamilya. Halata sa itsura nito ang dugong banyaga at mala porcelena nitong kutis na nagpapatunay lamang na hindi ito galing sa mahirap na buhay.
Kaya labis ang pagtataka niya kung bakit nandito ang dalaga sa bahay niya at nagtatrabaho bilang katulong.
Kung nahuhumaling siya sa ganda ng mukha ni Ria ay mas lalong nahumaling si Steven sa mga mata nito. Mga matang pumukaw sa attention niya kung kaya, nasabi niya sa sarili niya na parang nakita na niya ang mga matang yun dati pero hindi niya lang matandaan kung saan at kailan.
Nang magising, ay hindi niya mapigilang haplusin ang pisngi ng dalaga. Masaya siya na nakasama niya ito sa gabing ito, lalo na at tumugon si Ria sa init na nararamdaman nila.
Aalis na sana sa kama para kumuha ng tubig nang biglang nag ring ang cellphone ni Ria na nasa bag at nasa sahig ng kwarto niya. Kumunot ang noo ni Steven sa pagtataka kung sino ang tumatawag sa dalaga sa ganitong oras.
"It's already midnight. Who is it?" kuryusong tanong ni Steven sa sarili.
Alam niyang hindi magandang paki alaman ang gamit ng iba pero kinakain siya ng kuryusidad. Kaya kinuha niya cellphone ni Ria sa bag nito at nakita niya ang caller na nagpaigting ng panga niya.
'MyLove' ang tumatawag ngayon kay Ria na si Hivo, pero dahil hindi alam ni Steven kung sino ang MyLove na tumatawag sa dalaga, ay napuno ng inggit, selos at inis ang sistema niya. Balak niya na sanang sagutin ng namatay ang tawag.
While on the other hand, nakahiga si Hivo sa kama kasama ang kaibigan ni Ria na si Lia. Siya ang nakatoka na bantayan ang bata dahil wala naman siyang trabaho every night unlike Divine. Nagising ang bata at tinatanong kay Lia kung tumawag ba ang ina nito habang natutulog siya, pero sinagot ito ni Lia ng hindi dahil hindi naman talaga nakatawag si Ria sa anak dahil gumagawa ito ng milagro kanina kasama si Steven.
"Tita, is mama okay?" tanong ni Hivo.
"Yes baby. Why are you asking?" sagot ni Lia sa bata.
"Why is she not calling me kanina?" nagtatakang tanong ni Hivo at deep inside, nagtataka rin si Lia kung bakit hindi nga nakatawag ang kaibigan ngayong gabi which is unusual dahil lagi itong tumatawag para kamustahin ang anak.
"Do you want me to call mama for you?" tanong ni Lia para makampante ang bata.
Kinuha niya ang cellphone ni Hivo na nasa table malapit sa kama nila para tawagan ang kaibigan. Pero naka-ilang ring na ito ay hindi pa rin sinasagot ang tawag na ipinagtaka ni Lia. 'Anong nangyari sayo Ria? Why are you not picking up the phone?' sabi ni Lia sa isipan. Dahil sa inaantok pa rin si Hivo ay dahan-dahan itong pumikit at nakatulog. Natapos ang tawag na walang sumasagot, kaya tumingin si Lia sa gawi ng bata at nakitang tulog na ito ulit.
Hindi na niya ito tinawagan pero tinext niya ito saka natulog ulit.
"Why are you not answering the call, babe?" Lia's style is to call her friends babe na minsan na mi-misinterpret ng iba.
Going back to Steven, after I read the message from 'MyLove' ay agad akong umalis. She has a babe and yet, she let me f*ck her. Great! Just great!
Is he her first? It doesn't matter to me if I'm not her first because I respect her. Nakaka-proud kung ako ang naka una sa kaniya, pero kung hindi ay ayos lang naman dahil she is great, beautiful and amazing woman kaya masaya ako na tumugon siya sa mga halik ko ng walang aalinlangan.
But after I read the message, tang*na. It's too much! Is she taken? Okay fine, a-agawin ko siya sa kung sino mang p*t*ng*nang lalaking yun.
"Man, why are you here?" salubong sa'kin ng kaibigan ko na si Philip. Himala yata na nasa Pinas to at wala sa ibang bansa. Sa lahat ng mga kaibigan niya ay si Philip itong hindi maka-pirmi sa iisang bansa.
"Nothing. Just wanted to chill" sabi ko.
"Is it because of Amanda?" tanong nito.
"Of course not. Matagal na kaming wala" sabi ko. Wala na akong paki alam sa babaeng yun. After she cheated on me six years ago, na realized ko na I was so dumb na binigay ko sa kaniya lahat. She's not worthy of the love I gave.
"Here" tinanggap ko ang alak na binigay niya at tumabi sa'kin pagkatapos. Nasa VIP room kami ng bar ng isa pa naming kaibigan. Wala sa plano kong pumunta dito ngayon, but I need to chill and calm my system.
"Thanks bro" sabi ko.
"Anyways, naniniwala ka na ba sa'kin na may anak kang nakita ko sa airport kamakailan?" sabi nito na inilingan ko lang.
Yeah, tumawag siya sa'kin at sinabing may bata siyang nakita na kamukhang-kamukha ko. It's probably my son na hindi ko lang alam. Baka anak ko raw sa babaeng naka one night stand ko which is impossible dahil lagi akong nagsusuot ng protection while doing those to random girls.
"So you don't believe me. Man, anak mo nga yun. Sure ako dun dahil hindi lang naman kayo hawig, mukha mo nga yung mukha ng bata. Kung hindi mo anak yun e ano? Bunsong kapatid niyo ni Hannah?" pagkumbinsi nito sakin. Tinignan ko lang siya nang natatawa.
"That's too much, Philip. Safe ako lagi sa mga naka one night stand ko" sabi ko.
"Hindi e. Anak mo talaga yun. Basta, ipapahanap ko sila sa Canada at pag nahanap ko na, ipapadala ko yung mga litrato sa'yo. Kaya ngayon pa lang, magtino ka na" sabi nito na hindi ko sineryoso. He's crazy. Alam ko talagang wala akong anak. Kung meron man, dun ko plano sa babaeng gusto kong makasama habang buhay.
"Bakit magtitino si kuya?" napatingin kaming dalawa sa bagong dating. It's my sister, Hannah. Umayos ng upo si Philip nang makita ang kapatid ko. Matagal na niya itong gusto but Hannah is hard to please kaya minsan naaawa ako sa kaibigan kong torpe.
"Dahil may anak siya Han. I saw it!" sabi ni Philip. Nakita ko namang nagulat ang kapatid ko.
"Anak mo ba yung pinagbubuntis ni Amanda, kuya?" tanong nito sakin.
"No. Hindi akin yun" firm na sagot ko.
"So sinong anak ang tinutukoy ng mokong na to?" tanong niya.
"Hey" alma ni Philip nang tawagin siya ni Hannah na mokong.
"It's true. May nakita akong bata na kamukha-kamukha ng kuya mo. Hinala ko ay anak niya yun dun sa ina ng bata. Baka isa sa naka one night stand niya" sabi ni Philip.
Tinawanan lang siya ni Hannah kaya napailing ako sa dalawa.
"Kakauwi mo lang?" sabi ko. I heard from mom na pumunta itong Canada.
"Yeah. I'm so tired nga e" sabi niya. Napansin ko naman ang paper bag na bitbit nito. Based sa nakaprinta sa lagayan ay isa itong laruan na robot? Bakit may ganyan ang kapatid ko? Saan naman niya ibibigay yan?
"Para kay kanino yan?" tanong ko referring sa dala niyang laruan.
"It's a present kuya. Para sa anak ng kaibigan ko" sabi niya at ngumiti. I know my sister very well. She's lying.
Nang makita niyang hindi ako kumbinsido ay nagpaalam ito agad na aalis na. Pinili ko nalang na hindi ito pansinin at uminom nalang.
"So bakit ka nandito at uminom?" usisa ulit ni Philip.
"Well, I met a woman. She's pretty man. She's gorgeous, beautiful and ugh.. lovely"
"Are you drunk bro? Puro synonyms lang naman yun ng maganda ang sinasabi mo e" naiiling at natatawa na sabi ni Philip.
"Ohh..Really? Well.. She's indeed beautiful man and amazing too."
"You love her" sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya bigla.
"I don't know. Basta, I can't take my eyes on her" sabi ko
"So what's your problem?" Philip asked.
"I think she's taken. You know, I have been in different relationships with different girls and hindi pa ko umabot sa point na gustong mang angkin ng attention ng babae. Kung mag paramdam siya, good but if hindi e okay lang. But in my case now, I want everything from her. Gusto ko ako lagi ang pinapansin niya. Gusto ko wala akong kaagaw" sabi ko at ininom ulit ang isang shot sa baso.
"Man, you're inlove" seryosong saad ni Philip.
"So anong balak mo ngayon?" dagdag nito.
"I'm willing to be her 'kabit' for the meantime. Balak kong agawin siya sa kung sino mang tang*nang karelasyon niya ngayon"
"Man, you're crazy. It's not so you" natatawang sabi ni Philip.