Nakahiga sa hita ko ang anak ko habang nakaabang ako sa labas. Bawat oras na pumapatak ay matinding kaba ang hatid sa'kin. Agad akong napatuwid ng upo na makitang may pumasok. May dala-dala siyang cart. Kasunod nito si Vios na agad kinausap ang ilan sa mga tauhan na nagbabantay sa labas. Nakita ko ang ilan na tumingin muna sa gawi namin bago pumayag na umalis. Nang makapasok yung lalaki na may dalang cart, ay agad niyang pinulot ang mga basura na nasa gilid na pinagkainan ng anak ko. Nagmamadaling pumasok si Vios. Kinarga ko si Stefanny at agad na lumapit sa kaniya. "What happened?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Agad siyang napatingin sa anak ko. "Wala ng oras Steven," aniya. "Papa?" Tanong ni Stefanny na nagising na. Kinusot kusot niya ang mata niya at agad na nagpababa kaya ib

