Lumapit si Steven sa'min dala si Snow na tumatawa dahil kinikiliti nito. "Akin na muna si Snow. I know may dapat kayong pag-usapan" sabi ni Amanda. "Halika na muna anak. Samahan mo si mommy sa room" tahimik na binigay ni Steven ang bata kay Amanda. Nang makaalis na sila ay saka lang siya tumingin sa gawi ko. Habang pinagmamasdan ko siya, ngayon ko lang napansin na ibang-iba na ang aura nito noong una ko siyang nakita nang pumasok ako bilang katulong niya sa bahay. "How?..." hindi ko mahanap ang tamang salita para itanong kung paano niya nalaman ang tungkol kay Lia. "Why?" bakit at anong dahilan kung bakit mo to ginagawa? Pwede mo kaming protektahan ng anak mo kahit kasama mo kami so bakit? Lumapit siya ng dahan-dahan sa'kin. Dahil nakaupo ako, lumuhod siya at niyapos ang dalawang kam

