Umaga na but hindi pa rin kami nakatulog. Hinihintay kong tawagan ako ni Steven. Hindi ako mapalagay sa kinalalagyan ko ngayon. Paano ako hihinahon kung ang anak ko ay nalayo sa'kin? Para akong maiiyak sa kaba. Sina mama, papa, Amanda at mga kaibigan ko ay nasa tabi ko. Lahat sila ay kinakabahan na rin. Kasalukuyan kong tinatawagan si Vios. Hindi niya sinasagot. Wala akong ibang matawagan kundi siya lang. Tinawagan ko ulit at sa pagkakataong ito, sinagot niya ang tawag. "Ria?" Halata sa mukha nito na bagong gising ito. "Vios," "What happened?" Mahihimigan sa boses nito ang pag-aalala. Alam kong alam niya base sa boses ko na may hindi magandang nangyari sa'min dito. "Help me, Vios. Nasaan ka ngayon? Pwede mo bang puntahan si Steven?" "Bakit? Ano bang nangyari?" "Si Stefanny," "Sh*

