Umiiyak ako sa likod ng sasakyan habang sakay sa sasakyan ni Lia papunta sa bahay niya. Takot na takot ako lalo na nang makita ang duguang mukha ni Arman. Nagmakaawa ako sa kaniya na sasama na ako basta huwag lang niyang saktan si Arman at Chichi. Ngayon nga ay nakauwi na kami. Nakauwi na kami sa lupang pinagmulan ko na minsan ko ng nilayasan. Tahimik lang ako sa likod. Umiiyak at hindi alam anong gagawin. “Uuwi ka na sa bahay mo bukas. Tandaan mo Amanda na hawak ko ang buhay ng ama mo at bagong pamilya mo sa Canada,” sabi niya sa ‘kin. Hindi ako sumagot. Labis talaga ang kasamaan niya. Gusto ko lang naman ng simple at payapang buhay. Pagdating namin sa bahay niya, naabutan ko ang larawan ng babae na nakakalat sa pader. Kumunot ang noo ko dahil namumukhaan ko ang babae. “Kaya kita di

