Ch 36 - A Life In Expense of Death

1054 Words

    Pamilyar kay Alison ang mga sunod na pangyayari. Ito ang mga alaalang nakita niya sa loob ng isipan ni Herra. Hila-hila ng dalawang Alpha ang batang bersyon niya habang ang kanyang ina na si Celeste ay tumatakbo upang habulin sila.      “Ina, natatakot ako.” Umiiyak na wika ng musmos habang binabaybay nila ang hardin patungo sa labas ng mga rehas. Wala itong kamuwang-muwang sa karahasang lumalaganap sa mansyon ng mga Barcelona.     “Anak, narito lang ako, huwag kang matakot.” Maagap na saad ni Celeste upang mapakalma ang anak.      Halos mahilo ang dalagang si Alison sa kaguluhang nagaganap sa paligid. Nakalatag ang mga duguan at walang buhay na katawan sa damuhan. Maririnig ang tunog ng mga nagsasalpukang mga espada at mga hiyaw ng pagkatalo.      “Gael.” Mahina ngunit malinaw na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD