Namayani ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nila Noah at Madison. Tahimik na nakasunod ang dilag sa likuran ng binatang kawal habang malalim ang iniisip. Halos matumba siya nang tumama ang kanyang ulo sa gayak nitong pandigma bunga nang biglaang nitong paghinto. “Ouch.” mahinang angal niya. Bahagya itong napalingon sa kanya ngunit walang gumuhit ni pagaalala sa mukha nito. “Narito na tayo.” anunsyo nito at tinuro ang entrada. “Nasa loob ang punong Poderoso.” “Poderoso?” Napataas ang kilay niya sa narinig. “Iyon ang tawag ng sandatahang lakas ng Lealtad de los indiferentes.” tipid na paliwanag ni Noah. Hindi na niya nagawang tugunan pa ito. Natigilan na lamang siya nang makaramdam ng matinding kaba sa kanyang dibdib. Behind that door is where everything

