Nakatipon sa paligid ng kama ang magkakapatid na Barcelona, habang si Celeste nama’y akap-akap sa kanyang bisig ang isang babaeng sanggol. Maingat na lumakad palapit si Ramses at umupo sa gilid upang pagmasdaan ang walang kamuwang-muwang na mukha ng kanyang anak. Tahimik na nagpalitan ng matamis na tingin ang dalawa sa pangamba na magising ang nahihimbing na paslit. “Gusto mo ba siyang hawakan?” Malambing at pabulong na paanyaya ng dilag na tinanguan naman ng bagong ama. Dahan-dahan niyang inilapat ang sanggol sa bisig nito. “Napakaganda niya, Celeste.” Masayang bulalas ni Ramses, hindi mapawi sa kanyang mga labi ang ngiti bunga ng nag-uumapaw na kasiyahan na nadarama. “Kamukhang-kamukha mo siya.” Manghang komento ni Foncio habang nagmamasid mula sa paanan ng kama. “M

