Katty’s POV “Kapag sinundan mo siya, tapos na tayo, Katty.” Aniya. Parang may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Handa niyang tapusin ang relasyon namin ng dahil lang sa ganito? Seryoso ba siya? “He’s my friend, Patrick.” sambit ko. “And I’m your boyfriend, Katty.” Serysong sambit niya. “P-patrick…” Mahinang sambit ko. Para kong naubusan ng lakas. Ang puso ko ay nanghihina ng dahil kay Patrick pero kahit ganun hindi ko pa rin kayang umalis para sundan si Francoise. Nanghihinang napaupo ako sa upuan ko. “Kainin mo na ‘yang pagkain mo,” aniya at tumango na lamang ako at nag-umpisang kumain. Sana naman maintindihan ako ni Francoise. Mahalaga siya sa akin pero mas mahalaga pa rin si Patrick. Buong buhay ko ‘tong pinangarap kaya ayokong matapos na lang agad-ag

