Katty’s POV Busy ako sa pagma-make-up sa harapan ng vanity table dito sa loob ng hotel room ko ng biglang bumukas ang pintuan ng room ko. “You look hot, babe.” Sambit ni Patrick at naupo sa kama ko na nasa likuran ko lang. I’m wearing a wine sequin spaghetti strap dress halter neck backless side slit, mini dress. Mini dress ang pinili ko dahil ayoko naman na gumapang lang ang suot ko sa buhangin. “And you look hot as well,” I said. Kitang-kita ko si Patrick sa harapan ng salamin dahil nasa likuran ko lang ang kama ko. Ang gwapo niya sa suot niyang blue tuxedo at blue slack. Nakataas rin ang buhok niya kaya mas lalo siyang gwumapo. “Don’t make me jealous later at the party, babe. Sobrang ganda mo at siguradong madaming lalaki ang titingin at lalapit sayo. Agaw atensy

