Episode 03

1065 Words
Katty’s POV “I want to be your f**k mate, Patrick.” Matapang na sambit ko.   Napa-preno naman siya sa sinabi ko at hindi makapaniwalang lumingon sa akin.   “Seryoso ka ba?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.   “Oo naman, kailan ba ko hindi naging seryoso pagdating sayo?” Nakangiting tanong ko sa kanya.   Lahat ng sinasabi ko ginagawa ko basta tungkol ito kay Patrick. Handa akong ibigay kahit ang v-card ko sa kanya dahil ganun ko siya kamahal.   “Baliw ka na. Gusto mo yata talagang mapatay ako ni Chard at ni tito Karlos,” pabirong sambit niya at nag drive na ulit.   “Tama ka, baliw na nga yata ako. Baliw na baliw sayo, Patrick,” banat ko sa kanya.   Napailing naman ang ulo niya habang may ngiti sa labi. Totoo naman ang sinasabi ko baliw na ako sa kanya.   Pagdating namin sa kumpanya agad siyang bumaba ng kotse. Bababa na rin sana ako ng kumirot na naman ang paa ko. Mukhang hindi ko malalakad ang paa ko.   “Oh bakit hindi ka pa bumababa?” Tanong sa akin ni Patrick.   “Hindi ko kasi mailakad ‘yung paa ko. Kumikirot siya kapag sinusubukan kong itapak,” saad ko.   “Haist,” sambit niya at napabuntong hininga.   Naglakad siya papunta sa side ko at binuksan ang pinto. Lumuhod siya at kinuha ang paa ko tsaka niya pinatong sa tuhod niya.   “Bakit kasi ang taas ng takong na suot mo. Hindi ka naman mag mo-model pero ‘yung heels mo pang model,” umiiling na sambit niya habang hinihilot ang paa ko.   Kitang-kita ko ang pag-aalala niya sa mukha niya kaya hindi ko mapigilan na mapangiti. Kung hindi lang nanakaw ang cellphone ko malamang kanina ko pa siya kinuhaan ng litrato pero ok na rin ‘yun dahil sa magnanakaw ng cellphone ko kaya ako natapilok at ngayon hinihilot ng crush ko ang paa ko. Thank you, Lord! Hulog pala ng langit ‘yung magnanakaw ng cellphone ko.   “Oh bakit natatawa ka pa diyan? Napatid ka na nga pero masaya ka pa rin?” Iritadong tanong niya.   Mas lalo naman lumapad ang ngiti ko. Masaya talaga ako kapag nagiging ganito sa akin si Patrick. Kapag ganito kasi siya isa lang ang ibig sabihin nun. Nag-aalala siya sa akin.   “Wala lang,” kibit balikat kong sagot.   “Umuwi ka na lang kaya muna. Ipahinga mo na lang muna ‘yang paa mo. Kapag maayos na tsaka ka na lang magtrabaho,” aniya.   “Ay naku, hindi na kailangan. Ok na ‘yung paa ko. Hindi na masakit,” mabilis na sambit ko at sinubukang tumayo.   Buti na lamang at nakatayo na ako. Ayoko kasing umabsent ngayon lalo na’t ito ang unang araw ko sa trabaho. Sayang lang rin ang oras ko sa condo kung hindi ako papasok ngayon.   “Sigurado ka ba?” Nag-aalalang tanong niya at tumayo na rin mula sa pagkakaluhod.   “Yes, sure na sure kaya mag trabaho na tayo,” masiglang sambit ko.   “Ok,” sagot niya.   Sabay kaming naglakad pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko muntik na kong matumba. Akala ko susobsob na ako sa lupa pero sinalo ako ni Patrick.   “Ok ka lang ba? Akala ko ba kaya mo?” Nag-aalala niyang tanong sa akin.   Sobrang bilis ng kabog ng puso ko habang tinitignan ang napakaganda niyang mata. Ang brown niyang mata na pinaka nagustuhan ko sa panlabas niyang anyo. Gusto ko pa sana pagmasdan ng matagal ang mata niya kaya lang umiwas siya.   “Ah oo, ok lang ako,” sagot ko at umayos na ng tayo.   Sayang akala ko mahahalikan ko na ang labi niyang napakalambot tignan. Matagal ko ng gustong halikan ang labi niya pero hanggang ngayon hindi ko pa rin mahalikan ‘yun at hanggang pisngi lang ako.   Nagulat naman ako ng bigla niyang hubarin ang suot niyang coat at mas lalong nanlaki ang mata ko ng ipaikot niya sa bewang ko ang coat niya. Binuhat niya ako ng pa bridal style at naglakad na papasok sa kumpanya niya.   Pakiramdam ko malapit ng sumabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Binubuhat ako ng lalaking mahal ko ng pang kasal! Sobrang saya ko dahil ito ang unang beses na buhatin niya ako.   “Bakit ba kasi ang ikli-ikli ng suot mo? Paano na lang kung mabastos ka sa kalye. Hindi ka pa naman sumasakay ng taxi papunta dito at naglalakad ka lang. Sigurado akong maraming lalaki ang pinagnanasahan ka,” iritadong sambit niya.   “Wala namang problema sa suot ko hah kung mabastos man ako, hindi ko na ‘yun kasalanan. Sila ang may kasalanan dahil malilibog sila,” sagot ko.   Wala sa mga babae ang problema kung bakit sila nababastos. Nasa mga lalaki ‘yun na hindi nila kayang pigilan ang pagnanasa nila kapag tinamaan sila ng init ng laman.   “Basta dapat bukas mahaba na ang suot mo. Dapat lagpas tuhod ang suot mo. May proper uniform ang mga empleyado ng kumapanya namin kaya dapat mong sundin ‘yun” sambit niya at pumasok na sa private elevator.   Kusa naman itong nagsara kahit na hindi niya pinipindot ang elevator push button. Naramdaman kong tumataas ang elevator kaya mas kumapit pa ako sa batok ni Patrick. Gusto ko rin kasing mas maamoy ang natural niyang bango.   “Pwede bang hindi ko na sundin ang proper uniform na ‘yan. Mas gusto ko kasi ang ganitong style. Ang init kasi dito sa Manila kaya nakaka fresh kapag ganito kaikli ang skirt ko,” pagpapaliwanag ko sa kanya.   Kumunot naman ang noo niya sa akin. “Mainit nga sa Manila pero malakas naman ang aircon ng office ko.” Aniya.   “Ganun ba,” saad ko. “Pero ‘di ba ang gusto mo sa babae is ‘yung ganito manamit? ‘Yung maiikli manamit. Kung magsusuot ako ng mahabang skirt baka mas imposibleng magustuhan mo ako,” dagdag ko pa.   “Hindi mo kailangan magdamit ng ganyan kaikli para lang magustuhan kita at hindi rin ako nagkakagusto sa mga babaeng ganyan kaikli manamit,” tugon niya sa akin.   “Eh ‘yung mga naging babae mo? Nakikita ko ang itsura nilang lahat at lahat rin sila sobrang ikli manamit. Halos lumuwa na nga ang mga dibdib nila,” sambit ko.   Lahat ng naging babae ni Patrick at inii-stalk ko at palagi kong hinahanap kung ano ba ang mayroon sa kanila na wala sa akin. Kung bakit sila naging girlfriend ni Patrick samantalang ako hindi man lang niya mapansin.   “Ang mga babaeng ‘yun ay hindi ko gusto. Lumalapit lang sila at pinagbibigyan ko naman sila para na rin mailabas ko ang init ng katawan ko,” pagpapaliwanag niya.   “So ginagamit mo lang sila?” I asked.   “Oo at ayokong gawin ‘yun sayo dahil pinsan ka ng kaibigan ko,” diretsong sagot niya.   Sayang naman pala ang pagsusuot ko ng maikling skirt kung hindi naman pala niya gusto ang babaeng nagsusuot ng ganito kaikli.   “Kaya huwag ka ng magsusuot ng maikling skirt dahil ayoko rin na nakikita nila ang makinis mong legs.”   To Be Continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD