Katty’s POV “Tapos ka na?” Agad na tanong ni Patrick pagpasok niya ng hotel room ko. “Yap,” sagot ko at sinara na ang maleta ko. 6: 30 P.M na at tapos na ang dalawang araw namin dito sa beach at ngayong gabi na ang uwi namin. Naubos ang oras namin kanina sa pagpa-participate sa mga palaro ng kumpanya. Enjoy naman kasama ang mga empleyado niya kaya wala namang problema. “Tara na, mag dinner na muna tayo sa baba bago umuwi,” saad niya. “Iwanan mo na lang ang maleta mo at ipakukuha ko na lang ‘yan sa mga staff.” “Sigurado ka? Bakit hindi na lang ako ang magbaba tutal bababa na rin naman tayo. Mapapagod lang ‘yung staff,” sambit ko. “Babe, nag-aalala ka na naman sa mga empleyado. Hindi naman sila kawawa dahil bibigyan ko sila ng malaking tip,” saad niya at hinawakan ang

