Umakyat sila ni Janine sa isang maliit na burol sa tabi ng rancho ni Helena upang doon magmatyag. "Tingnan mo kung may cell site ba dito?" he asked. Tiningnan naman ni Janine ang kanyang cellphone. "Wala eh. Matutunton rin tayo ng mga ka team mo dito. Alam ni Vin ang lugar nato kaya manalig tayo na kaagad nila tayong matunton dito." "Hawakan mo." inabot niya kay Janine ang isang baril. "Glock yan, at may safety trigger yan. Naiiba yan sa beretta na hawak mo noon." malumanay na saad niya kay Janine. He wanted to hold her, hide her and keep her safe. But it wasn't an option. Ang tanging paraan lang na makuha nila si Robi ay ang pagtutulongan nila sa isa't isa. He just hoped they both came out of this thing alive. "You can only release the safety with your trigger finger. Awtomati

