Itinago ni Janine ang laptop sa isang cabinet roon tas agad na sinundan sina Xev at Jazz sa labas. Hindi yata niya kakayanin na mapapahamak na naman ang buhay ng ama ng anak niya. She had to help. Maingat siyang lumabas sa camper at napalingon-lingon. Dahil sa malalim na ang gabi kung kaya napaka dilim na sa kapaligiran na di mo talaga mapapansin kung may tao nga sa paligid. One blink of an eye, nakita niya si Xevier na papalapit sa kanya ngunit, tinambagan ito ng dalawang malalaking mama. May lalapit rin sanang dalawa pa, buti nalang at binangga ang mga ito ni Jazz gamit ang kanyang motorsiklo. Walang malay na bumagsak ang mga ito sa lupa. Nanigas ang katawan ni Janine sa mga nasaksihan niya. Ang mga paa niya ay halos hindi rin maigalaw. Paglingon naman niya kay Xevier ay nah

