Allec's POV
Dumating na dito sa mansyon ang pinsan kong si Allen. Kaidad ko lang siya kaya para lang kaming magkapatid tingnan.
Napakayaman na nila, mas mayaman na kaysa noon. Kaya lang, kung ano ang ikinaganda ng kanilang napakalaking mansyon ay kabaligtaran naman 'yon ng lungkot na pamilyang mayroon sila.
Wala na akong mga magulang kaya ang mga magulang na lang niya ay tinuturing ko ngayon na pamilya. Kaya lang, wala eh. Sila na yata ang pinaka-alcoholic sa trabaho na nakilala ko sa balat ng lupa.
Ignacio ang pangalan ng ama ni Allen at Isabelle naman ang kaniyang ina. Si tita Isabelle ay inalipusta mismo ng kaniyang sariling pamilya kaya nagsumikap sa buhay. Samantalang si tito Ignacio naman ay isang magaling na businessman at minsan ng naging kaibigan si Pablo Eskobar, isang lalaking kilalang tao sa Columbia. Bagaman binigyan niya ng ilang bilyon ang mag-asawang Saavedra ay itinigil na nila ang pakikipag-uganayan dahil sa ang kolumbianong ito ay isang drug lord. Hanggang sa namatay ito ay hindi na sila muli nag-usap ni tito Ignacio at tita Isabelle.
"Allen, bakit mukhang nalugi ka diyan. Ang balita ko ay okay naman ang meeting niyo ni lolo kagabi ha," usal ko pero wala pa rin siyang sagot sa akin. Sinundan ko siya sa elevator paakyat sa kaniyang kuwarto.
"Allec, pwede ba huwag mo muna ako guluhin," matamlay na matamlay niyang sabi sa 'kin.
''Hays sige kung ayaw mo 'ko kausapin, pwes tutulungan na lang kitang dalhin ang mga gamit mo sa itaas para -- ''
''Please,'' buong loob na pakiusap niya.
Sa pangalawang pagkakataon, pagkarating sa ikatlong palapag na kaniyang buong kwarto ay bumukas ang elevator.
Tumingin siya ng bahagyang patalikod kaya hindi na ako sumunod sa kaniya. Isinira ko na muli ang elevator at bumaba na lang ulit sa ground floor.
''Anong kayang problema no'n?'' bulong ko mag-isa habang kinakamot ang aking braso.
Bihira ko makitang ganito si Allen. Kung napakabihira kong makita siyang magalit, pwes mas madalang ko naman siyang makita na ganito katamlay.
Kilala ko buong buhay si Allen. Halos para na kaming kambal nito dahil sabay kami lumaki. Samakatuwid, kilalang kila ko ang buong pagkatao niya.
Nag-iisa lang siyang anak dahil pagkatapos manganak ni tita Isabelle ay nakunan na ito ng tatlong beses. Paano ba naman kasi, laging puyat at babad sa trabaho na kahit ang asawa nito ay hindi na siya maitigil. Hanggang sa nagdesisyon sila na hindi na sila magbubunga ulit.
Siya na yata ang pinakamabait, pinakamapagkunsidira, pinakakalmadong kakilala ko sa balat ng lupa. Halos lahat ay nasa kaniya na. Ang yaman, ang napakagandang buhay, ang itsura at tindig nito na parang isang bombay, angking galing at talino sa larangan ng negosyo at kalakalan.
Pero alam natin na sa bawat kalakasan ay may kahinaan din. Hindi ko kayang basahin ang isip niya, pero isa lang ang alam ko. Takot siya, takot siya sa rejection.
Mula bata pa lang kami ay nanghihingi siya lagi ng attention sa mommy at daddy niya pero lagi na lang siyang nilalampasan. Tuwing birthday rin niya ay laging bonggang party sa kanilang mansyon at may pa-mascot pa, pero lagi namang nasa business meeting ang mga magulang niya.
Simula noon, natakot na siya.
Naalala ko tuloy dati na mismomg araw ng graduation namin sa elementary. Katabi ko siya noon at lumilingat sa aming likuran, panahon na buhay pa ang mga magulang ko noon.
''Allec, wala pa rin sina mommy,'' sambit niya, na binalot na ng lungkot at pagkadismaya.
''Hays okay lang 'yan, baka may important lang na -- ''
''Bakit Allec, h-hindi ba talaga ako gano'n kahalaga,'' mahinang sambit niya, na napaawang na lang ang bibig ko dahil sa wala akong maisagot.
Humawak na lang ako sa kaniyang balikat at pilit na ngumiti sa kaniya. ''Ako Allen, nandito ako para sa 'yo. Nandito kami nila mama at papa, mahalagang mahalaga ka sa 'min kaya huwag ka nang malungkot diyan, graduation natin ngayon o, ngumiti ka na,'' usal ko at gumuhit na ang masayang labi sa kaniyang pisngi.
Simula noon ay sina mama't papa na rin ang tinuturing niyang mga magulang. Kaya lang sa kasamaang palad, kung kailan naman isang buwan lang na lumipas ang graduation namin sa elementary ay doon sila nadisgrasya. Lumubog ang bangkang sinasakyan nila papunta sa kabilang isla sa probinsya.
Simula noon, hindi lang siya ang malungkot sa buhay kundi ako na rin.
Napakapait ng pagsubok na 'yon sa amin ni Allen, napakahirap umusad nang mga panahong 'yon. Pero dahil sa offer si tita Isabelle, na sa London na ako mag-aral ng high school para naman ay malayo muna ako kung saan ay alaala nila mama ang iniisip ko. Doon na ako unti-unti nakabangon at nakatayo ulit sa buhay. Samantalang si Allen naman ay nakahanap ng mga matatalik na kaibigan na sina Rumir, Chris at Lexter. Masaya ako para sa sarili dahil sa nakabangon ako, pero mas masaya ako para sa pinsan ko na may pangalawa ng pamilya na tinuturing.
Habang nakaupo ako dito sa labas ng mansyon at nakatingin sa pool, biglang lumapit sa akin ang driver ni Allen. "Sir Allec, may -- "
"Mang Islo naman, huwag niyo na po akong tawaging sir. Allec na lang po, tulad noong bata pa po kami ni Allen," usal kong nakangiti sa kaniya.
"Sige iho, pasensyahan mo na ako ha, kababalik mo lang kasi galing London at baka -- masungit ka na,"
Bahagyang naman nanlaki ang mata ko at napatawa. "Manong naman, ako pa rin 'to, ang simpleng batang hinihatid niyo dati sa eskwelahan kasama ni Allen," paliwanag ko at ngumiti siyang umupo sa aking katapan na silya.
"Nga pala iho, may nakalimutan kasi akong ibigay kay Allen. Mukha kasing may dinadamdam siya kanina kaya nakalimutan kong iabot 'to sa kaniya," wika niya at inabot sa 'kin ang isang maliit na sealed plastic.
Kinuha ko ito at tiningnang maigi. "A-ano po ito?"
"Mukhang pagmamay-ari 'yan ng kasama niyang babae kahapon sa Singapore," paliwanag niya, na bahagyang ikinamangha ko.
Akala ko, takot pa rin siya manligaw dahil may trauma pa rin siyang rejection mula sa kaniyang ina. Hmm?
"Ikaw na lang Allec ang mag-abot sa itaas ha dahil baka ito ang kinalulungkot niya, saka kumulo bigla ang tiyan ko iho,"
"Sige po, sige po mang Islo, s-salamat po," sambit ko at lumakad na siya papasok sa mansyon.
Noong wala na siya ay inilabas ko sa plastic ang silver bracelet at sinuri. "Anong design 'to? M-macaron silver bracelet?" Iniangat ko ito at tiningnang maigi.
Marami nang naglaro sa aking isip tulad nang mang-asar sa pinsan ko, kaya dali-dali na akong pumasok sa mansyon at pinindot ang elevator.
"Hmm, kaya na ba niyang maghandle ng NO ngayon?" sambit ko ng nakangisi noong nakarating na ako sa third floor.