LUNA | TREINTA Y SEIS SA pagpasok nila ni Sebastian sa bakuran ng bahay na gagamitin nila – she don’t know for how many weeks – bumukas ang pinto ng bahay. Lumabas doon ang isang voluptous na mestisang babae. Kung tatanyahin ang edad nito base sa itsura nito ay nasa kwarenta na ito. Nang lapitan sila nito ay bahagyang umangat ang mga kilay ni Luna nang mapagtanto niyang mas matangkad pa pala siya rito ng isa o dalawang pulgada. “Kayo ho siguro ‘yong uupa ng bahay, ne?” tanong nito na hindi naitago ang accent nito sa dialektong kapampangan. “Yaku pu i Biniang, caretaker nitong bahay.” Kung tama ng pagkakaintindi si Luna ay Biniang ang pangalan na binigay sa kanila ng babae. “Magandang tanghali po, Aling Biniang,” magalang na pagbati niya sa babae. “At opo. Kami nga ho ‘yong uupa ng ba

