SIETE

2306 Words
LUNA | SIETE SABADO ng gabi. Ito ang gabi na pinatay ng kanilang Boss sina Prosecutor Garcia at Marcel Ocampo. Nasa main mansion sila ng kanilang amo at kasalukuyang nakikipag-laro ng baraha si Cent sa isa niyang kapwa tauhan.  “Cent, pinatatawag ka ni Boss.” Iyon agad ang sinabi sa kanya ni Elliot pagkalabas nito sa opisina ng kanilang boss. Isa si Elliot sa mga kasamahan niyang nagtatrabaho para kay Damon España.  Ibinaba niya ang hawak na baraha sa nakataob na drum na nagsilbing mesa nila ng kanyang kalaro saka tumayo. Inayos na muna ng binata ang suot na kulay dilaw na sweatshirt bago naglakad patungo sa opisina ni Damon.  Nasa tapat na siya ng kulay kapeng pinto. Kumatok muna siya bago pinihit ang saradura at binuksan ito ang pinto. Bumungad sa kanya ang loob ng opisina ni Damon España. Hindi naman ito maliit at hindi rin naman gano’n kalaki at kalawak. Tamang-tama lang ito para sa dalawang bookshelves na naka-pwesto sa kaliwa at kanang parte ng kwarto at ang itim na lamesa nitong naka-pwesto sa gitna ng opisina at isang single couch na nasa harap ng lamesa. May tatlong Fresco Plafon lights ito sa kisame. Ang sahig nito ay natatakpan ng pulang carpet Nanuot sa ilong niya ang pinaghalong amoy ng mamahaling sigarilyo nito at ang matapang na pabango nito nang pumasok siya sa opisina nito. Marahan niyang isinara ang pinto at saka hinarap ang kanilang Boss na nakaupo sa swivel nito sa likod ng kulay tsokolate nitong lamesa.  Lumapit siya sa lamesa at nag-iwan ng isang metrong espasyo. “Boss?” May nilapag itong litrato sa mesa at bahagyang inusog sa direksyon niya. He had a little glimpse at the photo — a family photo perhaps. But when he got familiarized with the certain girl in the photo, his eyebrows furrowed and his eyes squinted.  “Do you perhaps familiar with this man?” Noon lang niya ulit inangat ang kanyang ulo para tingnan ulit ang Boss nila. Nakalapat ang hintuturo nito sa isang lalaki sa kaliwang bahagi ng litrato.  Umiling siya. “Hindi po, Boss.”  He was being honest. Totoo namang hindi niya kilala ang dalawang tao na nasa litrato, maliban sa babaeng nakagitna na yakap-yakap ng lalaki at isa pang babae. It was a family picture, he could say. It was Isabel he knew with that picture. The girl who has taught him some things about life and how to live. Regret might be one of the strongest emotions of a human but she told him, he can change. He can change his bad habits into doing some good things, the personality he despises about himself, and especially his lifestyle.  “You should not see yourself like a black and white graphics. I know, there is something…  great about you. Parang nagtatago lang. Tinatago mo lang.” He remembered she stated. Nasa bus sila noon, magkatabi. Parang ang bus ang nagsilbing tagpuan nila sa loob ng ilang araw din nilang magkasabay noon. And each day they meet and receive some bandaids and words of wisdom from her, Cent really appreciates and treasures every moment and atmosphere between them. He really does. Sa loob ng limang taong pagtatrabaho niya sa kamay ni Damon España, Isabel was his first savior who saved him from the pit of a dark cliff and the first person he treated as a best friend. She healed and saved him that he wanted to have a decent life and get out from the illegal deeds he had been doing since he was fifteen years old. “Pwede ko po bang matanong kung anong meron sa kanya?” magalang na pagtatanong niya. Kinuha nito ang litrato. “Napaiyak nina Alex si Ocampo kanina. ‘Yong mga kopya ng impormasyon na ininput ng walang hiyang prosecutor na ‘yon, na kay Ruiz daw. Itong nasa litrato. Isang newscaster.” “Gano’n po ba? Pasensya na, Boss, hindi siya pamilyar sa’kin, eh.” “Okay, then. You may leave now,” Damon shrugged. “Pakitawag na lang din si Benjamin paglabas mo.” Tumango siya. “Yes, Boss.” Tumalikod na siya saka lumabas na ng opisina nito. Hinanap naman niya ang pangalang binanggit ng Boss nila. Kinabukasan, unang araw ng Nobyembre, naging balita agad sa telebisyon at dyaryo ang pagpatay ni Mr. Damon sa prosecutor at kay Marcel — ang kasamahan nilang tumiwalag at nagbigay ng impormasyon sa Special Investigation Unit. Kung hindi siya nagkakamali, nasa treinta y cinco na si Ocampo at pamilyado na rin ito. Naging mainit ang mata ni Damon sa dating kasamahan nang hindi nito sinunod ang pinaguutos ng kanilang amo. Hating gabi iyon at inutusan ng kanilang Boss si Ocampo na i-deliver sa kapartner nito ang isang bag ng droga sa Unisilver Casino. Dahil hindi sinunod ni Ocampo ang utos nito sa kadahilanang kailangan nitong umuwi sa kanila sapagkat kaarawan ng anak nito, ayon. Kinabukasan no’n ay inutusan ni Damon ang ilang tauhan na tapusin na ang pamilyang Ocampo. Maswerte na lang si Marcel noon na nakatakas ito at nagawang makapag-sumbong sa Special Investigation Unit.  Kung siya rin naman iyon ay gano’n din ang gagawin. Hindi siya didiretso sa pulisya dahil may ilang sangay ng departamento ng kapulisan na hawak si Damon España. Mahirap magtiwala sa ilang pulis ngayon. Sa araw na ‘yon, nagdesisyon si Cent na pumunta sa eight - thirteen station, kung saan lagi ang istasyon ni Isabel. Nang makarating siya doon, alas diyes kinse na ng umaga. May ilang pasahero ring naghihintay ng masasakyan ng bus sa waiting area — marahil ay pupunta ang mga ito sa sementeryo para madalaw ang mga namayapang mahal sa buhay.  Mahigit kalahating oras din siyang nakatayo malapit sa poste ng waiting booth at nakatingin sa direksyon kung saan nagmumula ang dalaga. Hindi niya inaasahan na sa ilang minuto niyang nakatayo roon, makikita niya si Isabel. Her red hair was tied into a messy bun and was driving a bike. Nakashort ito na hanggang tuhod ang haba at kulay itim na T-shirt.  Ilang minuto rin ang lumipas bago niya makita mula si Isabel. Kung kanina ay walang laman ang kwadradong basket ng bisikleta nito, ngayon may box na itong laman.  Ruiz… Minsan na niyang napansin ang school identification card ni Isabel at Ruiz ang apelyido nito. Kung gano’n, nanganganib ang dalaga pati na rin ang pamilya nito. Once Damon España after someone, they are nobody to stand in the way of him. Wala na siyang magagawa kung sa kanila napunta ang atensyon ni España. Bahagya siyang napatalon sa kinatatayuan niya at napaangat ang magkabilang kilay nang kumaway si Isabel sa direksyon niya. Hindi niya akalain na mapapansin siya nito at napahinto pa ito sa pagbibisikleta. Mapapansin pa ang maaliwalas at masayahin nitong ekspresyon. He felt out of sorts as he thought about her getting killed together with her family.  Masyado siyang kinakain ng guilt at lungkot kaya minabuti na niyang tumalikod at umalis sa lugar na ‘yon. Hindi niya alam kung kailan kikilos ang Boss nila pero iisa lang ang alam niya, nabibilang na lang ang oras ng mga Ruiz. Tatlong araw ang nakalipas at pinapunta si Cent sa four - o - nine hideout. ‘Yong isa sa mga hideout na malayo sa lungsod. Doon madalas dinadala ang mga taong alam ni Damon na mapapaiyak nito ang mga biktima para magsalita tungkol sa mga impormasyong kailangan nito. Madalas ang pag-torture ng mga tauhan ni Damon sa mga biktima kaya may mga biktima na hindi na kinakaya at namamatay na lang sa suntok, sipa, at hampas. “Aalis kami sandali ni Benjamin. Susunduin namin si Boss ngayon,” wika ni Fabian. “Kayo na muna ni Elliot ang magbantay sa babaeng nasa kwarto na ‘yon.” Napakunot noo si Cent. “Babae? Sinong babae?” “Oo, babae. ‘Yong anak no’ng Ruiz,” sagot nito. “O siya, maiwan ko na kayo. Gawin mo ang gusto mong gawin do’n. Tiyak na hindi ka mahihirapan.” Paglabas ng dalawa, saka naramdaman ni Cent ang pag-aalala at takot. Hindi siya maaaring magkamali na ang nasa likod ng pinto na ‘yon ay si Isabel.  Mabuti na lang at nasa labas ‘yong isa niyang kasama. Naglakad siya palapit sa nag-iisang pinto sa loob ng bodega at saka binuksan iyon. Sumalubong sa kanya ang hindi kaaya-ayang amoy ng kwarto. Magulo ang nakalatag na banig at ang kumot at may ilang punit na pulang tela ang nagkalat sa sahig. Hindi na siya nahirapan pang hanapin si Isabel sapagkat nakahiga ito sa maduming sahig. Nakatagilid ito at nakaharap sa kanan.  Sa paghakbang niya, napansin niya ang panginginig ng katawan nito. Lumapit siya at nag-squat ng upo sa harap nito. Medyo lumayo siya para makilala siya nito ngunit nang buksan nito ang mga mata, kumunot ang noo nito at bakas ang pagkalito sa mukha. While Cent, his heart shattered when he saw up close her state  — puno ng sugat, bugbog, at paso ang braso nito. May sugat rin ang gilid ng labi nito. Tanging bra na lamang tumatakip sa dibdib nito at ang laylayan ng bestida ang nagsilbing pantakip nito sa ibaba.  It shattered him. It shattered him see her eyes lifeless. Hindi napigilan ni Cent ang pagpatak ng mga luha niya. Sa patuloy na pagtulo ng mga kanyang mga luha, iyon din ang pag-iyak ni Isabel.  “I-I’m sorry,” sinserong sabi niya saka marahang hinaplos ang buhok nito. Unti-unting lumakas ang hagulgol ni Isabel sa ginawa niya. “I’m sorry. I’m really sorry, Isabel.” Ilang minuto rin bago nila kinalma ang mga sarili. Cent then gently supported her to sit and leaned against the wall. Hinubad niya ang itim na hoodie at saka niya isinuot iyon kay Isabel. At dahil masyadong malaki ang hood niya, lumubog ang magkabilang kamay ng dalaga. Ginawa niya, tinupi niya ang magkabilang sleeves ng damit niya hanggang sa ilalim ng siko nito. Pagkatapos ay sinuklay din nito ang pulang buhok gamit ang kanyang daliri. “Hintayin mo ako, ha? Ikukuha kita ng pagkain.”  Iniwan na muna niya si Isabel at lumabas ng kwarto. May maliit na lamesa sa hideout kung saan nandoon ang mga kakainin at inumin ng mga tauhan dito. Nilagay niya sa isang tray ang isang platong kanin at ulam at isang basong tubig. Nang balikan niya si Isabel, umupo siya sa tabi nito. Kumuha siya ng isang kutsarang kanin at ulam saka itinapat iyon sa bibig nito. Noong una, ayaw pa nito na sibuan niya ito pero hindi rin nagtagal ay sinusubo na nito ang pagkain na inaalok niya. Habang ngumunguya ito, hindi niya maiwasang titigan ang mukha nito. Nawala ang ningning ng mga mata nito at ang magandang ngiti nito sa labi. Nawala na rin ang dilaw na aurang nakapalibot dito.  Pagod, sakit, takot, at lungkot na lang nakikita niya kay Isabel. Nang matapos itong kumain, nilagay niya sa isang gilid ang tray at saka sinandal na ang likod sa pader. Bahagya silang nakatingala at nakadikit ang ulo sa pader. “I-Isa ka sa mga tauhan niya,” she stated weakly, almost a whisper. “So, ito ‘yong sinasabi mong pinagkakaabalahan mo.” “Hindi na ako kagaya nila,” dispensa niya sa sarili. “Naging iba ako mula noong makilala kita.” Naramdaman niya ang paglingon nito sa kanya. “K-Kaya ba kinaibigan mo ako dahil—” Tiningnan niya ito at mabilis na pinutol ang sasabihin. “Hindi. Iba ‘yon, Isabel. Hindi kita kinaibigan dahil dito. Noong araw na una tayong nagkita, maniwala ka, iyon ang unang beses na nakilala kita. Ako ‘yon, dikta ‘yon ng sarili ko.” Wala siyang nakuhang salita mula sa dalaga bagkus ay bumuntong hininga ito at saka idinikit ulit ang ulo sa pader. “Alam mo bang nakita ko kung paano nila patayin sina Mama at Papa?” Nagsimulang magkwento si Isabel gamit ang mahinang boses nito. Hindi maialis ni Cent tingin niya rito habang nagkukwento. Unti-unting nagningning ang mga mata nito — hindi sa tuwa kundi sa mga luhang nagbabadyang tumulo.  Hindi man niya nararamdaman kung ano ang tunay na saloobin nito pero alam niyang walang papantay sa sakit na nararamdaman ng dalaga. Nasaksihan nitong mabaril ang mga magulang at mawalan ng dignidad. “Paulit-ulit nilang ginawa sa’kin ‘yon. P-Paulit-ulit nilang pinadama sa’kin na ang dumi-dumi ko.” Hinawakan ni Cent ang nanginginig nitong kamay. Hindi na niya kailangan ng isa pang dahilan para magdesisyon — tutulungan niya itong makatakas. Hindi na niya kayang makita itong ganito, miserable at walang kulay.  “Isabel,” Lumingon ito sa kanya na basa ang magkabilang pisngi. Tinuyo niya iyon gamit ang hintuturo niya. Nakatitig ito sa kanya habang ang mga mata niya ay naka-focus sa pisngi nito. Eventually, he stared at her as well. “Tu—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang marinig niya ang boses ni Elliot. Bago pa niya marinig ang pagbukas ng pinto, mabilis na hinalikan niya sa labi si Isabel. Dahil hindi niya ipinikit ang mga mata, kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata ng dalaga sa bigla. “Tangina,” rinig niya mula kay Elliot. “Hanggang ngayon hindi ka pa tapos? Labas! Ako naman!” He immediately untouch his lips from her and face the guy with a poker face. “Ayoko. Ako ‘tong bagong dating dito, kailangan ko rin pagsawaan ‘to.” He mentally punched himself for saying those phrases. May masama na ngang nangyari rito tapos nakuha pa niyang sabihin ‘yon? Parang ang bastos sa pandinig ng isang babae ‘yon! Pero daan na rin niya iyon para hindi na ito magalaw pa ngayong gabi, dahil tutulungan niya itong tumakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD