LUNA | CUARENTA Y OCHO Malamig na simoy ng hangin ang bumungad kay Luna nang lumabas siya sa beach cottage na ni-rent nila. Naglakad siya patungo sa tabing dagat. She stood on the shore, enough to distance herself from getting wet on the soft waves of the sea. Niyakap niya ang kanyang kabilang braso at inilagay ang kaliwang kamay sa kanyang baywang. She closed her eyes as she gasped for air. Manipis ang suot niyang pajama at ang puting cotton T-shirt na suot niya kaya damang-dama niya ang malamig na simoy ng hangin. Tumingala siya sa langit upang damdamin ang masarap na hangin. Minulat niya ang kanyang mga mata. A smile crept across her face when the stars sprinkled on the dark sky like the dust of diamonds welcome her eyes. Luna gazes with admiration at those bright friends of the moo

