QUATRO

2105 Words
LUNA | QUATRO Dumating ang araw ng linggo. Ang araw ng kaarawan ni Isabel. Alas quatro y media pa lang ng madaling araw ay gising na si Ella nang maumpisahan na niya ang paghahanda para sa araw ng kanyang anak. She tied her hair into a perfect bun and wear an apron to prevent her dress stain with any food seasoning. Sa kanyang pag-uumpisa, inihanda niya ang gulay, karne at iba pang mga sangkap sa mesa. Pati na rin ang kawali at mga kasirola at iba pang kagamitan. Iniwasan niyang makalikha ng anumang ingay sa kusina para hindi niya magising ang mag-ama na tulog pa hanggang sa mga oras na ‘yon. Inumpisahan na niya ang pagbalat at paghiwa sa mga gulay na isasahog sa pansit, kaldereta, shanghai at chopsuey. Sunod niyang trinabaho ang pagpapakulo sa baboy para sa kaldereta hanggang sa sumunod ang pagbabalot niya sa mga shanghai.  Dahil mag-a-alas sinco y media pa lang ng umaga at maaga pa para iluto ang mga pagkain na ihahanda, isinantabi niya muna ang mga iyon at nagluto ng agahan. Nang matapos siya sa pagluluto ng almusal, lumabas siya ng bahay, hawak-hawak ang walis tingting saka niya winalis ang kanilang maliit na bakuran. Hindi naman mataas ang gate nila, kung titingnan ay ang pang-itaas na katawan lang ng mga dumaraan ang makikita. Yet the small street is quiet. When the morning light hit the mist, the small street ushered in a warm morning. At this time, everything in the small street was shrouded in soft morning light.  The air is cool, the sun has not fully risen, houses, trees, lofts and terraces but as the sun gets higher in the sky, the day’s activity begins. Some unknown birds stood on the swaying stalks, swaying their heads, shaking their wings, vying to show off the moving voices, and the sweet songs seemed to flow in the clouds, rolling on the green waves and running. In the fresh, moist air, the sound is lingering, the small sound is like a light breeze blowing.  Saktong natapos niya ang kanyang walisan, may humintong binata sa tapat ng gate nila. May dala itong mga dyaryo.  May maliit na ngiti ito sa labi nang inabot nito ang hawak na diyaryo. “Ma’am, diyaryo niyo po,” sabi nito.  Kinapa niya ang bulsa ng apron at nilabas ang bente pesos. Hawak ang walis tingting, lumapit siya rito at saka niya inabot niya ang bayad at ang diyaryo. Nang magpasalamat siya, tuluyan nang umalis ang binata.  Bago siya pumasok ng kanilang bahay, inilagay niya ang hawak na walis tingting sa lalagyanan ng mga walis. Pumunta muna siya sa kusina para tingnan ang pinapakulong karne saka ilapag ang dala-dalang diyaryo sa mesa bago nagtungo sa kwarto nina Ismael at Isabel para gisingin na sila. ꧁꧂ IT was dark. So dark that she can’t see the path she’s taking in.  She can only hear her own heavy breath and the sound of dry leaves crunching underneath her feet. Isabel quickened her tracks through this unknown place — feeling unsafe. She feels like there are some people watching and after her.  Chills immediately sent shivers down to her spine when she turned her gaze to her back and found nothing but the terrifying darkness. Just because no one is catching her doesn’t mean she has to stop from running. She can still feel the countless pair of eyes focus on her behind the darkness.  A scream automatically escaped her lips and her voice echoed to the unknown when a dagger from nowhere dug in her left thigh. She stumbled from running and landed on the ground filled with dry leaves. Her breathing became ragged as she checked the dagger and the fresh wound. The dagger dug deep in her thigh — blood’s already dripping and staining her fair skin. Noon lang niya napansin at naramdaman ang sarili. She is wearing a thigh length red dress but she is barefoot. Her back sting and when her right hand explored her back thoroughly, she felt something thick and sticky. She touched the different side of it but it’s the same feeling she had in the other part. Her brows furrowed as she withdrew her hand to check it out.  Her eyes widened in horror when she saw her fingertips coated with blood. But her attention immediately averted when her left arm stings as well. She paid attention to her arm. Her blood is already dripping, coating the rest of her left arm.  Mas lalong lumago ang takot na nararamdaman niya. She start to tremble, her widened eyes almost staining with tears. “A-Ano’ng nangyayari?” tanong niya sa sarili.  All she could see was the darkness and her blood dripping from the dry leaves.  “Isabel!” She flinched when she heard her own name from a far. It came from a voice of a lady and it sounds like a full of warning and terrorism. Naging mabilis lang ang naging paglingon niya sa kanyang likuran nang makarinig siya ng isang putok ng baril. Na nasundan pa ng isang beses at isa pa.  She sat on the dry leaves as her widened eyes looking over from a far where she heard the three gunshots. Blood starts flowing from her head down to her face — covering her whole body with her own blood.  “Isabel,” Napasinghap siya kasabay nang pagmulat ng kanyang mga mata. May mga namuong butil ng pawis sa kanyang noo at dama niya ang mabilis na t***k ng kanyang puso at ang pagpintig ng kanyang bawat pulso.  Hinihingal din siya na unimo’y kagagaling sa isang pagtakbo. Sumalubong sa paningin niya ang kulay kremang kisame. Pasimpleng inilibot niya ang tingin sa kanyang paligid at nang mapagtantong nasa sariling kwarto siya, noon lang siya nakahinga ng maluwag. Unti-unti na rin bumalik sa normal ang pintig ng kanyang puso.  Weird dream. Bumangon siya at umupo sa kanyang higaan. Wala sa sariling tinitigan niya ang kanyang magkabilang palad. There was no trace of blood on it. Hinawakan niya ang kaliwang braso. Wala ring dugo iyon. Tinanggal niya kumot na tumatakip sa kanyang binti. Walang dager na nakasaksak doon. At hindi rin siya naliligo sa sariling dugo.  Muli siyang napatitig sa kanyang palad. “Isang panaginip lang ‘yon, Isabel. Isang masamang panaginip,” paalala niya sa sarili.  “But it felt so real.” ‘Yong tatlong putok ng baril. ‘Yong boses na tumawag sa pangalan niya at ang pulang-pula na dugo na nagmula sa katawan niya. Kahit na gising na gising na siya reyalidad, ramdam pa rin niya kilabot na yumayakap sa kanya. Pakiramdam niya, totoo lahat. Parang totoo lahat.  “Isabel,” Mula sa pagkatitig niya sa kanyang palad, umangat ang kanyang ulo at nalipat ang kanyang tingin. Nakita niya ang kanyang ina na malapit sa bintana, hinahawi ang kulay dilaw na kurtina nang mabuksan ang nakasarang bintana.  Sa pagbukas nito ng bintana, unti-unti nang pumasok ang manipis na sinag ng araw sa kanyang kwarto. Sa pagngiti ng kanyang ina, iyon din ang pagngiti niya. Naramdaman niya ang mahinhing haplos ng liwanag ng araw sa kanyang mukha. She somehow felt at ease. She forget what she dreamed about. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. “Happy Birthday, anak.” She wrapped her arms around her waist. “Thank you, Mama.” She replied, nuzzling her face in her chest.  She really loves the warmth of her mother hugging around her being. It was so warm and securing. She hopes it will never fade. She hopes she can feel it forever. Kumalas sa pagkakayakap ang kanyang ina. Umayos ito ng tayo. She's smiling at her as she extend her right hand. Hindi pa man niya nahahawakan ang kamay ng ina nang marinig niya ang boses ng ama.  Tuluyan itong pumasok sa kwarto niya. Nakakunot ang noo at bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang hawak-hawak ang isang diyaryo. Nakasuot pa ito ng pajama at puting T-shirt na laging pantulog nito at medyo magulo pa ang buhok nito.  Nagkatinginan silang mag-ina at sa tingin na iyon ay iisang tanong lang ang tumatakbo sa isip nila: ano’ng nangyari?  “Ella, nabasa mo na ba ito?” tanong ni Ismael sa kanyang ina. He gestured the newpaper to her mother. His eyebrows furrowed and a glint of disbelief and guilt a little shread of fear registered on his eyes as he handed the newspaper and stared at his wife.  Nilapitan ito ng kanyang ina saka tinanggap ang diyaryo. Tiningnan muna nito ang ama bago nilipat ang mga mata sa dyaryo. Isabel’s parents focus their attention on what was written on that daily newspaper. Sa loob-loob niya ay kinakabahan siya habang ino-obserba ang ekspresyon ng mga magulang. Napakunot siya ng noo nang makita kung paano mabigla ang ina sa nabasa nito sa dyaryo. Hindi na nakatiis si Isabel at nagtanong na sa ina. “Mama, ano’ng nangyari?” Nalipat ang tingin ng ina sa kanya. Sa pagkakataong iyon, hindi mawari ni Isabel kung ano ang ekspresyon ng ina. Kung pag-aalala ba, pagkabigla o pag-aalinlangan.  “Nagkita kami ni Juanito dalawang gabi na ang nakakaraan,” wika ng kanyang ama. Sabay na binalingan ni Isabel at ng ina niya ang kanyang ama. “Pinakiusapan niya akong tulungan silang ihayag sa publiko ang ilegal na gawain ng isang mafia lider. Ang kaso tinanggihan ko dahil sa takot na baka madamay ulit kayo.” “Ismael,” Ilegal? Mafia? Hindi maintindihan ni Isabel ang pinag-uusapan ng magulang pero iisa lang ang sinisigurado niya, hindi niya hahayaang umalis ang kanyang ama. Umayos sa pagkakatayo si Ismael upang maharap ng maayos si Ella. Hinawakan nito ang magkabilang balikat nito. “Kailangan kong pumunta ngayon sa agency para ibalita kung sino talaga ang nasa likod ng mga krimen at kung sino talaga ang pumatay sa kaibigan ko.” Kitang-kita sa mga mata ng kanyang ang pagnanais nitong lumabas ng bahay at magtungo sa agency. Mabilis na kumilos si Isabel. Bumaba siya mula sa kinauupuang kama. Bago pa tuluyang makalabas ang ama sa kanyang kwarto, marahan niyang hinila ang laylayan ng T-shirt nito upang mapigilan ito. Doon lang siya nilingunan ng kanyang ama. Sa pagkakita nito sa kanya, tila ba noon lang nagkaroon ng kulay ang mukha nito; tila ba’y noon lang siya nito naalala.  “‘Pa, aalis ka?” tanong niya. Pagtatanong man ang tono ng boses niya pero hindi maaalis doon ang pagmamakaawang huwag nitong ituloy ang paglabas ng bahay. “Isabel, kailangan kong u—” Mukha man siyang bastos, hindi niya hinayaang matapos pa ng ama niya ang sasabihin nito. “Pero, nangako ka sa’kin, Papa, na kahit ano ang mangyari hindi ka aalis ngayong birthday ko,” turan niya. The facial expression of her father soften as he stared at her pleading expression. Hinding-hindi malilimutan ni Isabel ang pangako ng kanyang ama kahapon. Isang kompletong pamilya lang naman ang tanging hinihiling niya pero mukhang may nangyayaring hindi maganda ngayon kaya’t pursigidong pumasok ang kanyang ama. Bumuntong hininga si Ismael saka hinawakan ang kamay niyang nakahawak pa rin sa laylayan ng damit nito. He leaned a bit, caressing her red hair. “Anak—” “Ismael, sige na.”  Sabay silang napalingong mag-ama sa ina niyang nagsalita. Sa tinuran ng ina ay napakunot ang noo ni Isabel. “Mama…” Hindi makapaniwalang bulalas niya. Bakit pakiramdam niya ay inuudyukan pa ng nanay niya na pumasok ang kanyang ama? Mabilis na sinulyapan siya ng kanyang ina saka siya nito inakbayan. Tumingin ulit ito sa kanyang ama. “Para sa anak mo, pwede bang ipagpaliban mo muna iyan?” Sa sinabi ng kanyang ina, nakahinga siya ng maluwag at tila ba ay nabunutan siya ng tinik. Puno ng pagsusumamo ang mata nilang mag-ina habang ang ekspresyon ng kanyang ama ay puno ng pagkagulo at pag-aalinlangan. “Pero Ella—” Hindi pinansin ng kanyang ina ang sasabihin ng ama. Tiningnan siya nito at saka yumuko ng bahagya nang mapantayan ang taas niya. Ngumiti ito at sinuklay nito ang pula niyang buhok. “Dumiretso ka na sa kusina, ha? Naghanda na ako ng almusal sa mesa. Mag-uusap lang kami ng Papa mo.” Nag-aalangan man ay tumango si Isabel. Niyakap niya muna ang ama bago lumabas ng kwarto. Hindi pa man siya nakakalayo sa naturang kwarto, rinig na niya ang mahinang boses ng kanyang magulang. Hindi na niya kailangan pang bumalik sa kwarto upang tingnan kung nag-aaway ba ang mga ito, alam na niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD