Hindi mapakali si Gaurav habang nasa biyahe sila pauwi ngayon sa mansyon nila. Kasama n'ya na ngayon ang buong team n'ya at hindi ang mga ito pumayag na mauna siyang lumuwas sa Maynila dahil hindi s'ya umano iiwanan ng mga ito lalo na ngayon sa ganitong mga pagkakataon. Hindi na n'ya nagawang ilihim sa mga ito ang nangyari at kahit pa nahihiya na s'ya sa nangyaring abalà sa kaibigan niyang si Conrad ay sinabi nitong ayos lang at anytime ay bukas ang pintuan ng bahay nito para sa kanilang grupo. "Helix, alam na 'ba na pabalik na tayo? Sinong umaasikaso ngayon kay... b-big boss?" usisa ni Jed sa tabi n'ya at halos hindi nito mabigkas iyon, marahil ay dahil hangggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala na wala na ngayon ang pinuno nila. "Jed..hindi ko alam pero sa palagay ko ay talagang

