Chapter 22 "Ang Nighteagle iyon. Ano ginagawa nila dito?" Nasa gitna ang isang bandgroup at kaharap si Everen na inaalis pagkakahawak sa kwelyo niya ng leader ng banda. Tumayo si Victor at sinundan siya nina Kiel patungo sa gitna. Noong makalapit sila nakita ni Victor si Rin na nasa likod ni Everen. "Hoy." Napalingon ang grupuhan at si Everen. Nakapamulsahan nagtanong ang lalaki. "Bakit hindi kayo humanap ng katapat niyo?" ani ni Victor. Sinipa ni Robin ang nakaharang sa kanila dahilan para makaagaw sila ng pansin lahat. "Robin? Ang 4th generation nandito," ani ng isa sa mga lalaki at mga nag atrasan. "Victor," ani ni Rin na nanginginig habang nakatingin sa mga lalaki at nakahawak sa braso ni Everen. "Ano nangyari?" tanong ni Victor kina Everen at Rin. "Galing kami sa taas

