Chapter 10 Huminga ako ng malalim at binuksan iyong closet ko. Lumuhod ako at binuksan iyong drawer na nasa pinakaibaba ng closet. Nilabas ko iyong dati ko na laptop at tumayo. Isinara ko ang closet at naglakad palapit sa table ko. Umupo ako sa harapan ng table and binuksan ko ang laptop ko. Kagat ang labi na iniopen ko ang laptop at kinakabahan buksan ang official account ko. Bumungad sa akin ang million followers at sobrang dami na message. 'Nag-quit na ba talaga siya?' 'Kailan ba siya babalik?' 'Waah! Gusto ko na ulit mabasa mga story niya.' 'Miss author wag ka magpadala sa mga haters. Mas madami pa din naman naniniwala sa iyo.' Ilan lang iyon sa mga post at message na nabasa ko noong magdecide ako magquit sa pagsusulat 3 years ago. 'PhinEA!' Nagpop sa screen ng laptop a

