THIRD PERSON'S POV Nang makarating sina Khendrey sa mansion nina Izyll ay dumiretso na sila papasok sa loob. Naabutan nila ang mga ito sa sala at bahagyang napahinto sa kanilang nakita. Nakita nilang nakaluhod si Jarryl at nasa harapan nito ang damit no'ng dumukot kay Heart. Nakita nila ang liwanag na nagmumula kay Jarryl at may mahinang enerhiya na lumalabas palabas sa mansion, na tila pa may hahanapin ito. Nakapikit si Jarryl habang ginagawa iyon. "Nandito na pala kayo," pansin sa kanila ni Flare at nilapitan sila. "W-What is he doing?" hindi makapaniwalang tanong ni Zhennie kay Flare nang makalapit ito sa kanila. Maging si Khendrey ay hindi napakagsalita dahil sa kanyang nakita. Ngayon lang siya nakakitang gumamit ng kapangyarihan ang mga ito, bukod ni Kherra. Kaya medyo nagulat pa r

