Chapter 2

1112 Words
CHAPTER 2 THIRD PERSON'S POV Nakatingin ngayon si Princessa Jewelle sa isang babaeng nakahiga. Napapalibutan ito ng gold Pixie dust. Habang may itim na pixie dust rin na lumalabas sa katawan nito. Napabuntong-hininga siya sa nakikita niya. Oo nga at nawala na ang sumpa ng Legendary World, na kagagawan niya noon dahil sa pagbalik nang kakambal niyang si Sweetzelle. Ngunit, ito ang naging kapalit. Dahil sa umibig noon si Sweetzelle sa isang taga-itim, nabuo nito ang itim na pixie dust. Nais mawala ng taong minahal ni Sweetzelle, ang taglay niyang Gold pixie dust. Upang mapalitan ito nang itim na pixie dust at mag Reyna sa mundo nang itim na majika pero napigilan iyon ni Jewelle. Ginamit niya ang buong kapangyarihan niya, upang isumpa ang buong Legendary world. Dahil sa sumpang iyon, maraming nagbago at nawala. Maging siya ay kasali sa sumpa. Habang si Sweetzelle ay naging bata at pinadala niya sa kasalukuyang panahon kasama ang lalaking minamahal na si Jarem. Ipinagkatiwala ni Jewelle ang kapatid sa binata. Pareho ang dalawa na naging bata ulit at babalik silang muli pagkalipas ng ilang taon. Sa mundo ng mga Mortal, naging tahimik ang buhay nang dalawa. "It's been 21 years, since the new heredem of the gold pixie dust was born. Nahanap niyo na ba ito?" Nawala bigla ang pagbabalik-tanaw niya at napalingon sa isang babaeng dumating. Nakilala niya ito. Halos matagal ring panahon nang huli niya itong makita. Sa pagkakaalam niya, ito ang nakakaalam sa dalawang bagong tagapagmana. Si Trinity, isang manghuhula at may dugong itim na majika. "Hindi pa, ilang beses ko nang sinubukang hanapin pero bigo ako,” sabi ni Jewelle dito. Bahagya napailing si Trinity. "Matagal na din nang huli ko siyang makita. Siguradong hindi ko na siya makikilala, " sabi nito. "Bakit? Anong nangyari saiyo?" nagtatakang tanong ni Jewelle. "Nahuli ako ni Hezza at kinulong nang ilang taon. Noong nakatakas ako, hindi ko na mahanap ang bagong tagapagmana. Kaya mahihirapan talaga tayong hanapin ito," sabi nito. Napabuntong-hininga siya at muling tumingin kay Sweetzhelle na nakahiga. "Kailangan na nating mahanap sila," seryoso niyang sabi. "Sino ang muli mong ipapadala sa mundo ng mga mortal?" tanong nito. Napa-isip siya. Kailangang pag isipan niyang mabuti kung sino ang ipapadala nila, upang hindi sila muling mabigo na mahanap ang mga ito. "Kung sakali mang may ipapadala ka na, may ibibigay ako saiyo." Napatingin si Jewelle sa inabot nito. Nakita niya ang isang kwentas na hawak nito. "Anong gagawin ko diyan?" nagtatakang tanong niya dito. "Sa pamamagitan nito, malalaman kung sino ang bagong taga pagmana. Kapag umilaw ito, ibig sabihin nasasagap nito ang kapangyarihan ng pixie dust," sabi nito. Napatango siya at kinuha ang kwentas. "Isa kang manghuhula di ba?" tanong niya dito. "Bakit di mo hulaan kong makikita ba kaagad ang bagong tagapagmana At kung babalik ba sa dati si Sweetzelle," sabi niya dito. Bahagya itong umiling at napabuntong-hininga. "Hindi ko na magagamit ang abilidad na iyon. Nagawang alisin sa akin ni Hezza ang kakayahayan kong iyon. Kaya hindi mo ako maasahan sa bagay na iyan. Tanging teleportation na lang ang kakayahang mayroon ako," sabi nito. Napabuntong-hininga hininga si Jewelle at inalis ang tingin dito. "Kung ganoon, nakasasalay sa kwentas na ito kung paano matatagpuan ang bagong tagapagmana," sabi niya at tumango ito. "Sige, ako nang bahala dito, " sabi niya dito. Tumango ito at biglang nawala. Muli siyang tumingin kay Sweetzhelle. "‘Wag kang mag alala gagawin ko lahat maibalik ka lang sa dati," sambit niya sa sarili. Seryosong nakatingin si Jewelle sa tatlong lalaking nasa harapan niya. Habang ang mga ito ay hindi halos makatingin sa kanya. "Mom, bakit mo kami pinatawag?" tanong nang kanyang anak na lalaki. "May training kami ngayon eh!" dagdag nito. Tumingin si Jewelle sa anak niya. Si Jarryl Disu. Nakuha nito ang abilidad at kapangyarin ng ama, maging sa kanya. Teleportation, Air magic and Ice magic. Isa ito sa nais niyang ipadala sa mortal. Tumingin siya sa katabi nito, ang pamangkin niya. Ang anak ni Sweetzelle, na si Izyll. Nakuha din nito ang abilidad at kapangyarihan ng magulang nito. Fire, Manipulation and even Air magic. Isa din ito sa ipapadala niya kasama ang anak niya. At ang pangatlo ay si Yuan Fenglan, kaibigan nang anak niya. "Pinatawag ko kayo upang bigyan nang misyon," seryosong sabi niya. "gusto kong gawin niyo ang lahat upang mahanap siya." Nagkatinginan ang tatlo at muling napatingin sa kanya. "Anong misyon, tita?" tanong ni Izyll. "Hahanapin niyo ang bagong tagapagmana ng pixie dust. Alam niyo na naman ang bagay na iyon di ba? Kaya ipagkakatiwala ko sainyo ang misyon na iyan," sabi niya sa mga ito. Hindi nagsalita ang tatlo. Alam na nila ang tungkol sa bagong tagapagmana pero nagulat pa rin sila dahil sa kanila ibigay ang misyon na iyon. Alam rin nila na ilang beses na itong naging misyon nang ilan sa kanila, ngunit lagi silang bigo sa paghahanap. Nagulat man sila ay gagawin pa rin nila. Lalo na si Izyll, dahil nakasalalay sa misyon na ito ang buhay nang kanyang ina. "Heto ang kwentas, sa pamamagitan niyan malalaman niyo kung sino ang bagong tagapagmana," sabi ni Jewelle sa mga ito. Kinuha nila ang kwentas at tiningnan. "Lumakad na kaagad kaayo ngayon, Jarryl. Doon muna kayo mananatili sa mansion ng ama mo para hindi na kayo pabalik-balik dito. Higit sa lahat," mariin siyang tumingin sa mga ito. "gusto kong gawin niyo lahat mahanap lang siya at huwag kayong babalik dito nang hindi siya kasama," Seryosong sabi niya sa mga ito. Nagkatinginan silang tatlo at napatango. Alam nilang mahihirapan silang hanapin ang mga ito, pero kailangan nilang gawin ang misyon. Upang mailigtas si Reyna Sweetzelle. Tanging ang kapangyarihan lang ng gold pixie dust ang makakapaggaling dito. Kaya kailangan nilang mahanap ang bagong tagapagmana ng gold pixie dust, upang tuluyan nang gumaling ang Reyna ng Legendary Kingdom. "Iyzll, okay ka lang?" tanong ni Jarryl dito nang mapansing tahimik ito. Kasalukuyan silang naglalakad tatlo patungo sa lagusan papunta sa mundo ng mga mortal. "Napapaisip lang ako, bakit ngayon pa binigay ni tita ang misyon na ito. Alam mo namang noon pa gusto ko nang makuha ang misyon na ito para sa aking ina," sabi nito. Alam nito ang bagay na iyon kaya maging siya ay napaisip na rin. Hindi na lang sila nagsalita at hinayaang si Izyll na mag-isip. Nang makalabas na sila sa portal, ganoon na lang ang pagkagulat nila nang makita ang dalawang babaeng nagulat rin na makita sila. Ginamitan ito ni Jarrly ng kapangyarihan niya saka ito nawalan nang malay. "Tara na gamitin na lang natin ang sasakyan nila at pumunta sa mansion ni Dad." "Paano sila?" "Hayaan niyo sila." Ginamit nila ang sasakyan ng mga ito saka sila umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD