KHENDREY POV
Hindi ko maintindahan kung bakit, tila ba apektado ako sa bawat tingin nila or niya. Siya kasi iyong may kakaibang tingin sa akin. Lalo na ngayon na nasa likod lang namin sila. Nararamdaman ko ang bawat tingin nila. Hindi naman ako manhid para hindi iyon maramdaman.
Kakaiba iyong tingin na pinaparamdam nila sa amin. Iyong tingin na tila may ninanais sila.
Nagulat ako kanina nang pumasok sila, iniisip ko tuloy na baka sinusundan nila kami pero napaka-imposible naman ata no'n. Nais ko mang hindi pansinin ang aura nila ay talagang hindi ko mapigilan.
Bahagya akong napailing, hindi ko dapat ito nararamdaman. Hindi ako dapat magpaapekto sa kanila. Kung may binabalak man sila, kailangan kong mag ingat. Alam kong hindi sila ordinaryong tao, may bagay silang alam kong hindi nararapat sa mundo namin.
Isang bagay na minsan ko naring nakita at nasaksihan sa sarili kong pagkatao. Nais ko man alamin ang bagay na iyon, ngunit walang sagot akong nakuha dahil alam kong kapag nagtanong ako sa iba tungkol doon ay alam kong walang maniniwala. Isinantabi ko ang aking nasaksihan sa sarili, subalit nang makilala ang mga lalaking ito ay tila ba bumalik sa alaala ko ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung tatanungin ko ba sila o ano, dahil ngayon ko pa lang naman sila nakilala.
"’Coz, kanina ka pa tahimik, ayos ka lang ba?" biglang tanong sa akin ni Heart kaya natauhan ako.
Napangiti lang ako.
"Huh? Yeah, I'm fine. May iniisip lang ako," tanging tugon ko sa kanya.
Tumango siya at bahagyang lumapit sa akin.
"Alam mo ‘Coz, kanina ko pa napapansin na kakaiba ang tingin nila sa atin. Iyon bang tatlong lalaki na nasa likod natin," pabulong niyang sabi sa akin.
Naramdaman din pala niya ang bawat tingin ng tatlong lalaking iyon sa likod namin. Akala ko ay hindi niya iyon naramdaman.
Bahagya akong sumulyap sa mga ito, at nahuli ko na naman siyang nakatingin sa amin.
"Pero iyong totoo ‘coz, ang gwapo nila eh no? Hehe," muli niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Umayos ka nga," sita ko sa kanya nang mapansing kilig na kilig pa siya dahil sa mga ito.
Sa lahat ba naman na pweding mapansin niya, iyon pa talaga? Sabagay may ibubuga naman sila. Tama naman siya, sa itsura ng mga ito talagang maraming babaeng maghahabol sa kanila. Well, I'm not interested. Ayoko lang talaga sa kinikilos at tingin nila sa amin. Lumayo na nang bahagya sa Heart sa akin na may ngiti sa labi. Seriously? 'Wag niyang sabihin na type niya ang mga ito? Tssss! Wala na akong nakuhang salita sa kanya at napabuntong-hininga na lang.
Mayamaya may pumasok, mukhang siya iyong magiging adviser namin. Nagsalita siya tungkol sa bagong studyante, isa ako doon at malamang maging ang tatlong lalaki na nasa likod. Sinabi niyang magpakilala kami, kaya nauna na akong tumawa at nagpakilala sa mga ito. Nang matapos ako ay nagpakilala na rin sila at nalaman ko ang mga pangalan nilang tatlo.
Matapos naming magpakilala ay sinabihan kami tungkol sa magiging assignment. Ngunit kaming mga bago ay hindi muna kasali. Manonood lang raw muna kami sa gagawin nila. Kaya matapod ibigay ang gagawin nilang assignment ay nakatingin lang ako sa ginagawa ni Heart. Alam kong matalino si Heart at ang sabi nga niya ay nangunguna siya sa batch nila ngayong taon. Hindi niya raw hahayaan na may lumampas sa kanya at gagawin niyang lahat para mas angat siya. Habang nakatingin ako sa ginagawa ni Heart, ay may naramdaman akong kakaiba sa likod namin. Mayamaya ay nakita ko ang paglipad ng papel at napunta sa sahig. Napakunot-noo ako. Wala naman akong naramdamang hangin, kasi nga Aircon ang silid na ito. Kaya paano ito nilipad? Napabuntong-hininga na lang ako at binalik ito kung saan nakalagay. Mayamaya ay napansin ko na naman ang isang kakaiba enerhiya sa likod ko at doon napansin ko ang pagkahulog ng bag ko. Napataas-kilay ako. Pakiramdam ko ay may nangyayari sa paligid ko. Napabuga ako ng hangin at kinuha ang bag ko at nang uupo na ako ay bigla na lamang akong bumagsak sa sahig. Hindi naman masakit pero nakaramdam ako nang inis. Pakiramdam ko talaga pinaglalaruan ako. Kaya agad akong napatingin sa likod namin at nakita ko kung paano siya umiwas nang tingin sa akin. Mariin ko siyang tinitigan at nasisiguro akong may kababalaghan siyang ginagawa, nasisiguro ko iyon. Inalalayan ako ni Heart at tinanong kong okay lang ako. Sinabihan ko lang siyang ayos lang ako at inayos ko ang upuan patagilid upang makita ko kung ano ang gagawin ng lalaking ito. Akala niya ba hindi ko nararamdaman ang ginagawa niya? Tsss! Gusto ko mang banggitin iyon, ngunit hindi ko mabanggit ewan ko ba!
Nang nasa ganoong posisyon na ako ay wala na siyang ginawa sa akin at pasimple na lang siya tumitingin sa akin, ganoon rin ako sa kanya. Hays!
Sabay kaming lumabas ni Heart silid, upang pumunta sa Cafeteria. Matapos ang assignment nila ay niyaya na niya akong lumabas dahil nagugutom na raw siya. Kaya naman nagpasiya kaming kumain muna. Habang naglalakad kami ay may naramdaman akong tao sa likod namin.
"Ahm, pwedi ba kaming makisabay? Bago lang kasi kami dito, hindi namin alam pasikot-sikot sa campus. Isa pa, nagugutom na rin kasi kami," mayamaya ay sabi ng taong iyon na nasa likod namin.
Napahinto kami ni Heart nang lumapit sila sa amin. Walang iba kundi iyong tatlong lalaki. Naging seryoso ang tingin ko sa kanila kahit pa nakangiti sila sa amin. Napatingin sa akin si Heart. Pakiramdam ko ay kumikinang nang ang kanyang mga mata. Seriously? Naduduling lang ba ako o talagang ganoon ang nakikita ko?
"Papunta kasi kami sa Cafeteria, baka kasi alam niyo," sabi nito. Sa pagkakaalala ko Izyll ang pakilala niya kanina. Ngumiti pa siya sa akin, kaya naiilang akong umiwas nang tingin. Tsss, may pangiti-ngiti pa talaga, matapos niyang gawin iyon sa akin kanina. Ang sarap naman ata niyang inumpog sa pader. Nakakagigil!
"Siguro naman 'coz pwedi silang makisabay sa atin. Doon naman tayo papunta," sabi ni Heart sa akin at nagpa-cute pa sa kanyang mga mata. My ghad! Ganito ba ang epekto sa kanya ng mga ito? Nakakabaliw naman atang reaksyon ito.
Hindi ako sumagot. Kaya naramdaman kong siniko ako ni Heart. Napabuntong-hininga na lang ako. Nasisiguro akong kukulitin lang ako ni Heart, hanggang sa pumayag ako. Ito namang mga lalaking ito, sa dami nang pweding pagtanungan ay kami pa talaga ang nilapitan. Nanadya ata ang mga ito eh, tsss!
"You can follow us," tanging sabi ko at naunang naglakad. Naramdaman ko namang sumunod si Heart sa akin.
"Sumunod na lang kayo sa amin!" sigaw niya pa sa mga ito.
Napailing na lang ako. Hindi ko talaga gusto ang presensya ng mga lalaking ito. Hindi ko maintindihan kong bakit ganoon ang nararamdaman ko sa kanila. Ito namang isa feeling close sa mga ito. Akala mo matagal ng kilala ang isa't isa, kung makalingon kasi sa mga ito, hays!
Naalala ko bigla ang narinig kong bulungan kanina no'ng mga babaeng kaklase namin, na dito rin sila nag aral dati. Napataas nang bahagya ang kilay ko. Kung dito sila nag aral dati, posibleng alam talaga nila ang pasikot-sikot sa lugar na ito! Tapos kung makatanong parang walang alam. Hmm, mukhang iba talaga ang sadya nila sa amin. Sige, tingnan natin kung ano ba talaga ang kailangan niyo.
Nang makarating kami sa cafeteria ay umorder na kami ng makakain namin ni Heart at talagang tumabi pa sila sa amin, habang umo-order kami. Napatingin tuloy ako sa kanya, nang biglang magdikit ang nga siko namin. Kaya agad akong lumayo, na parang nakuryente sa kanya. Sinamaan ko siya nang tingin at matapos naming maka-order ay naghanap na kami nang pwesto at pinili namin ang pang-dalawahang mesa. Nakita ko namang nakapwesto na sila at talagang nakaharap pa sa kinaroroonan namin. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, pakiramdam ko ang ngayon lang ako nainis nang subra sa tanang buhay ko at talagang sa isang lalaki pa. Tsk! Mayamaya ay dumating na ang pagkain namin at nagsimula nang kumain.
"Alam mo 'coz, ang gwapo nila napansin mo ba?" bulong bigla sa akin ni Heart.
Muntik na akong mabilaokan dahil sa biglang pagsabi niya nang ganoon. Naiinis ko siyang tiningnan at uminom ng tubig.
"Tsk! Magtigil ka nga, Heart," pabulong ko ring sabi sa kanya.
"Why? It's true naman ah," nakangiti niyang sabi at lumingon sa mga ito na pasimpleng napapatingin sa amin.
Napapikit na lang ako sa inis. Hays, hinayaan ko na lang kung anong sinasabi niya. Hindi naman ako iteresado, pero talagang hindi ko mapigilang mainis sa mga ito.
"You know what 'coz, may kakaiba akong nararamdaman sa kanila," mayamaya ay sabi na naman niya.
Naging seryoso ang tingin niya sa pagkain, maging sa pagsubo niya. Bumaling siya sa akin at seryoso pa rin ang kanyang tingin.
"Bakit? Anong nararamdaman mo, bukod sa gwapo at kinikilig ka sa kanila?" nakataas-kilay kong tanong sa kanya.
Napaismid naman siya sa sinabi ko.
"It's true that their handsome, but there something strange about them. Feeling ko talaga may kakaiba sa kanila," sabi niya sa akin.
So, maging siya ay ganoon rin ang nararamdaman niya? Ngunit bakit ako lang ang nakakapansin sa bagay na pinapalabas nila? Bakit hindi niya iyon napansin? Masyado ba talagang malakas ang pakiramdam ko, kaya ako lang ang may nalalaman.
"Iyong nangyari kanina sa lobby," narinig kong sabi niya.
Kaya naging seryoso naman ang tingin ko sa kanya. Oonga pala, iyong nangyari kanina. Nawala bigla sa isip ko iyon dahil nga sa biglang pagsulpot ng mga lalaking iyon kanina. Kaya hindi ko na nabigyang pansin ang isang bagay na lumalabas sa kanya kanina. Alam ko sa sariling hindi ako namamalikmata sa aking nakita. Pakiramdam ko ay parang katulad sa akin noon, ngunit iba ang kulay na lumabas dito. It's white. Saglit lang iyon ngunit alam kong nakita ko talaga.
"Yeah, ayos ka na ba talaga?" tanong ko sa kanya.
"Oo, ayos lang ako. Hindi ko lang maintindihan kung bakit iyon nangyari. Hays, di bale na nga," tanging sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.
Nagpatuloy na rin ako sa pagkain, ngunit hindi talaga mawala sa isip ko ang nangyari kay Hearthelle. Bakit pakiramdam ko, katulad na katulad ito sa akin? Hindi kaya may nakatago ring kakaiba sa katawan ni Hearthelle na hindi niya alam? Napabuntong-hininga ako. Kailangan ko munang isantabi iyon, dahil pakiramdam ko hindi pa ako handa sa ganoong bagay. Isa pa, ayokong paniwalaan iyon.
Matapos naming kumain ay nagpasiya na kaming lumabas sa cafeteria at naglakad-lakad.
"This school is huge. Did you enjoy studying here?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Of course, I am. Malawak nga ang school na ito at komportable ako kahit na may mga taong masyadong mataas ang tingin sa sarili. Kahit naman napakakulit ko saiyo at pakiramdam mo, mahina ako. Obviously, I'm not. Hindi man ako kasing lakas mo. But I know, how to depend myself," nakangiti niyang sabi sa akin.
"Mabuti naman kung ganoon. But still, I'm willing to protect you, no matter what," sabi ko sa kanya.
Huminto siya sa paglalakad, ganoon rin ako. Bumaling siya sa akin at nakita kong nakangiti siya.
"Being protected by the Empress, it's a pleasure thing too me," saad niya sa akin.
Napatingin tuloy ako sa paligid dahil baka may nakarinig sa sinabi niya, saka ako muling tumingin sa kanya.
"Ikaw talaga, huwag mo nang banggitin iyon, okay? You're my cousin, of course, it's my duty to protect you too. Halika na nga," natatawang sabi ko at hinila na siya. Natatawa naman siya sa akin at muli na namang akong kinulit. Nilibot namin saglit ang campus, ngunit tanging sa gym at sa field lang kami umabot dahil napagod na kami at bumalik na kami sa room namin. Habang pabalik naman kami at paakyat sa hagdan ay may natanaw ako sa itaas na nakatingin sa amin. Napakunot-noo ako habang nakatingin sa kanya. Deretso talaga siyang nakatingin sa amin o di kaya sa akin. Isang babaeng nakasuot ng itim na damit at may veil na nakatabon sa kanyang kalahating mukha. Ngunit alam ko sa sariling nakatingin siya sa amin. Mayamaya ay inalis na niya ang kanyang tingin at umalis sa kinaroroonan niya. Mabilis naman akong umakyat sa itaas, ngunit hindi ko na ito nakita. Parang bola na agad siyang nawala.
"Hey, what's wrong?" tanong sa akin ni Heart at tumabi sa akin.
"Hmm, nothing. Tara na," anyaya ko sa kanya at sabay na kaming naglakad.
Hindi mawala sa isip ko ang babaeng iyon. Nakakapagtaka tuloy kung bakit bigla siyang nawala. Sino kaya iyon?