Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya, matapos niya iyong sabihin. "I-Iyong lalaking pinuntahan niya, iyon ba ang ama mo?" nagugulat kong tanong sa kanya. Napakunot-noo naman siyang nakatingin sa akin, dahil sa sinabi kong iyon. "What?" sambit niya at bahagyang natawa dahil sa sinabi ko. "Of course not, my father was one of her friends. Actually, nagkakilala lang sila noon, nang makabalik na siya sa legendarya mula dito sa mundong ito. Isa pa, kaibigan rin ni tito Jarem ang ama ko. Doon lang sila nagkakilala sa legendarya," paliwanag niya sa akin. "Ahh akala ko iyon talaga ang ama mo," sabi ko at napapailing na lang. Natatawa pa rin siyang nakatingin sa akin at bahagyang napailing na rin. "So, what next?" Ipinagpatuloy niya ang kanyang kwento, tungkol sa nangyari sa kanyang ina

