THIRD PERSON'S POV Nang makabalik sina Heart ay hindi niya halos matingnan sina Izyll. Ngunit pinipilit niyang makisabay sa mga ito, na para bang walang nangyari. Naging mas maingay ang kanilang gabi, nang magsimula ng maligo ang mga ito sa pool, maging sina Khendrey ay naligo na rin. Habang naliligo naman sila ay napapansin niya ang mga tingin ni Izyll, maging paglapit nito ay nararamdaman niya. Kaya naman pilit niyang iniiwasan na makasama ito nang mag isa. May ilan nang lasing kay umuuwi na rin ang mga ito. Maging siya ay may tama na rin ng alak at maging ang mga kasama niya. Hanggang sa sila na lang ang natira dahil na rin nakatulog na si Zhennie, sa kwarto kung saan sila nagbihis kanina. "Huwag na lang kayong umuwi, dito na lang kayo matulog," sabi sa kanila ni Flare. Napatingin na

