Napahinto si Khendrey sa bulletin board, nang makita niya ulit ang larawan ng babaeng nakita niya sa mansion nina Izyll. Muli siyang napatitig dito at nararamdaman niya talagang pamilyar ito sa kanya. Kahit na ngayon lang naman niya ito nakita. "What's special about that picture? Mukhang kahapon ka pa nakatingin diya ah," narinig niyang sabi ng pamilyar na boses. Nakita niya ang paglapit ni Izyll at tumingin sa tinitingnan niya. Iniwas niya ang tingin dito at napaismid. "I'm just curious, that's all," tanging sagot ni Khendrey at muling tumingin sa larawang nasa harapan nila. "You're curious about her?" tanong sa kanya ni Izyll. Hindi agad siya sumagot. Bigla na lang niyang natanong ang sarili, kung bakit ba siya nakikipag usap dito. Ngunit may iba rin siyang dahilan kaya gusto niyang

