Chapter 17 - Invitation

2200 Words
"Naku, mas gusto kong nandirito ka palagi sa amin ma'am," komento ni ma'am Kara nang isang linggo na akong sumasabay na kumain sa kanila sa faculty. "Ma'am, p'wede bang first name basis nalang po? Feeling ko naman close na tayo." Ngumiwi ako sa pagsubok kong makipagkaibigan, mataray kasi siya at minsan walang filter ang bibig niya sa pagsasalita. "Mas okay 'yon, anong itatawag ko sayo?" tanong ni ma'am Kara. "Ako ma'am p'wedeng makisali sa first name basis niyo?" sabat naman ni sir Makoy. "Okay lang din po M-makoy." Naiilang kong sabi. MAPEH department itong tinatambayan ko ngayon, English major talaga si Kara, pero dahil sa fully loaded na ay nagtuturo siya sa grade seven ng MAPEH. Si Sir Makoy naman ang sa grade eight at nine ngayong year, ako naman sa tatlong section grade ten at eleven. Si Sir Salvadico sa grade twelve, minsan nagtuturo din sila ng T.L.E, medyo kulang sa teachers ang school. Kasama ang mga AP at TLE teachers sa faculty na ito kaya maingay. Mas masaya kaysa doon sa clinic, kahit na may kasama na ako parang mas maayos ako noong ako lang mag-isa. Tinutulungan din ako ni Makoy na mag-train kapag wala si sir Camaya, kahit na may nangugulo sa isipan ko, masaya pa rin akong naaabala ang aking isip sa mga abalang gawain ko. Tapos na naman ang klase ko ngayong umaga at pabalik ako ngayon sa clinic. Nang makita ko kung paano hinihila si Axis ng isang babae sa pathway na may harang na puno na siguradong madadaanan ko ang lugar na pinaghilaan sa kanya. Nakita ko kung paanong may nagtaas ng banner at may babaeng pumunta sa harapan niya at nagsalita. Hindi ko na itinuloy ang panonood ko nang magsimulang magtilian ang mga babae. Napailing ako at may mumunting ngiting lumabas sa aking labi. Hindi nga lang sigurado kung para saan ang tuwa ko, dahil ba sa pagkadismaya iyon.? Ngunit nanaig ang isipan ko ngayon na sa wakas, tapos na siya, tapos na siya sa estado kung saan pinagkamalan niyang pag-ibig ang ano mang nramdaman niya sa akin noon. "Ma'am nakita niyo ba si Axis?" tanong ni ma'am Cathy, pagkapasok ko ng clinic. Pinigilan kong hindi mapakunot ang noo ko, alam niyang bawal ang ginagawa nila diba? Pero bakit parang hindi siya nag-aalala sa iisipin ko tungkol sa kanya at ang kakaibang pagtrato niya kay Axis? "Bakit?" walang ganang tanong ko. "Hindi na kasi siya pumupunta rito e," sagot nito, sa tunog ng boses niya ay parang ang kaswal lang talaga ng tanong na iyon. Hindi ko na talaga mapigilang hindi mainis, bumaling ako sa kanya matapos kong ilapag ang mga gamit ko. "Clinic kasi 'to ma'am, hindi classroom. Kaya hindi talaga 'yon palaging pupunta rito," sagot ko naman sa mahinahong paraan. Humalukipkip ito at ngumiti ngunit pansin ko ang pagdaan ng inis sa mukha niya. "Alam ko ma'am, natanong ko lang." Ngumiti siya at naglakad papunta sa mesa niya. Napansin ko ang irap niya sa akin bago siya tumalikod, sa ilang buwan niya rito nakikita ko ang 'habit' ng pagtataray niya. May sasabihin pa sana ako ngunit malaki ang pasasalamat ko nang biglang may kumatok sa pinto at may pumasok doon. "Axis... bakit di ka-" bungad agad ni ma'am Cathy sa pumasok. "May kukunin lang ako ma'am, naiwan ko 'yong phone ko," sagot nito, saglit lang akong tinapunan ng tingin ni Axis. Kaya't hindi ko na rin siya sinundan ng titig. Ngunit sa gilid ng aking mga mata ay sinundan ko ang galaw niya, tinanggal nito ang kamay sa bulsa at naglakad palapit sa mesa ni ma'm Cathy, Cathy na lang. With her attitude, I believe she does not deserve respect. "Oo nga eh. Kaya hindi kita matawagan." Matamis na ngumiti si Cathy. Nilunok ko ang aking inis sa isinagot niya. So nagtatawagan sila? Mahabaging diyos! Bakit naman sila magtatawagan? Una sa lahat nurse siya rito! Hindi pasyente si Axis, at estudyante siya. Napailing ako upang maialis ko ang kung ano mang naiisip ko tungkol sa kanila, at baka masyado lang akong nagiging mapagmata. Kinuha ko na lang ang shoulder bag ko para sa faculty na lang ulit ako kakain ng lunch. Tahimik akong tumayo at naglakad na ako palabas, iba rin sa madalas na araw ay magpapaalam ako kay Cathy bilang respeto pero dahil hindi nga bagay sa kanya ang ganoon, hindi ko na lang gagawin. Nakalabas na ako nang may humila sa braso ko. Napakunot ang noo ko nang nasa labas na rin si Axis at hawak niya ang door knob. Mabuti na lang at ang labas ng clinic ay may veranda pa, napapalibutan ito ng halaman at may kahoy na bakod na may puting pintura. Kaya walang makakapansin sa ginawa niya. "Where are you going?" tanong niya sa baritonong boses. Napataas ang kilay ko sa tanong niya, binabawi ko ang kamay ko sa kanya pero ayaw niyang bitawan. "Axis? Axis, buksan mo 'to!" Kumakatok sa loob si Cathy, sinaraduhan niya ito sa loob sa pamamagitan ng pagpigil ng door knob. "Bitawan mo ako at kakain na ako-" Mahinang usal ko. "Saan?" tanong niya. Ang lamig ng tingin niya, nagtatangis ang mga bagang, at mayrong inis sa kanyang mga mata. "Huh?" Napatanong ako nang may kasamang panguuyam. Napansin ko ang marahas na paggalaw ng kanyang mga panga, nakikita ko kung paano lumabas ang ugat ng braso niyang nakahawak sa door knob pero hindi naman masakit ang pagkakahawak ng kabilang braso niya sa akin. "Sa faculty..." sagot ko, parang sa mga tingin niya ay naobliga pa akong sumagot sa tanong niya. "Bakit?" Nangungunot na noong tanong niya. Napapanganga ako at sinikmatan siya, dahil mukhang nagtataka pa siya sa gagawin ko. "Obviously... I am giving you time to flirt..." I came to a halt in the middle of my sentence as I realized what I had just said, why had I said it? "I'm not flirting, I came here to see you, but you constantly seem to avoid me–" Mabilis kong tinakpan ang bibig niya, paano kung marinig siya ni Cathy sa loob? "Don't ever say that again," banta ko sa kanya, nang masiguro kong tatahimik siya ay tinanggal ko na ang palad ko sa kanyang bibig. Pilit na kinukuha ng malaya kong kamay ang mga daliring nagkukulong ng palapulsuhan ko ngayon. Mahigpit iyon ngunit kataka-takang hindi ako nasasaktan. "Bitawan mo na ako." Nanggagalaiti kong binabawi ang braso ko sa kanya pero ayaw niyang bitawan, at kanina pa kumakatok si Cathy. "Sorry," saad nito at marahang binitawan ang braso ko. Yumuko ito at tinignan ang aking brasong namula at may pulang marka pa ng mga daliri niya. "Did I hurt you or did I scare you again?" tanong nito. Tinignan niya iyon at marahan niyang kinuha ang braso kong namumula at pinadaanan ng kanyang hinlalaki na para bang binubura ang pamumula. "No," I admitted, honestly. "How stupid of me to swear I'd never do it again, and yet here I am." Mahina at nagisisi niyang sabi. "Ma'am Marion pupunta kang faculty? Sabay na tayo." Sumilip si sir Camaya sa maliit na bakod sa gilid ng clinic. Pero hinahaplos pa rin ng Axis ang braso ko nang marahan, mukhang walang pakiaalam kung maabutan kami sa ganitong ayos. "Axis," sambit ko. Kaya ko namang bawiin ang braso, sadyang mayroong pumipigil. It's his touch, it's our first touch, and I'm beginning to appreciate it. His caresses on my wrist are tingling and reassuring. It's quite peaceful here, to be touched and to feel the soothing warmth from his thumb, and I hate to admit it. "Did I scare you again?" tanong niyang muli. "No," sagot ko. Iyon naman ang totoo, nagulat lang ako ngunit wala roon ang takot. Mabilis kung binawi ang kamay ko huli ko ng naisip na niluwagan niya na pala ang pagkakahawak niya kaya napaatras ako at muntik nang matumba, mabuti at nasalo ako ni Sir Camaya. Ang pagkawalang balanse ko ay hindi dahil sa pinwersa ako ni Axis, ngunit dahil iyon sa pagkakandaiti ng mga balat namin, nakakapanghina iyon. "Axis, anong ginagawa mo sa teacher mo?" Inalalayan ni sir Camaya ang bewang ko at ipinatayo ng maayos, nangunot ang noo ni Axis habang sinusundan niya ang galaw ng kamay ni Sir Camaya. "N-napaatras lang ako sir," sabat ko naman. "Hindi, hawak niya yung braso mo kanina e," sabi ni Sir Camaya, hindi kumbinsido sa sagot jko. "W-wala 'yon sir, i-inalalayan niya lang ako." Tumawa ako ng pilit at hinila na ang braso niya. "Tara na sir, medyo... ano... gutom ako ngayon e." Magaan kong hinila si Sir palabas na maliit na bakod, dahil nagisismula na itong tumingin sa pintuang kinakatok ni Cathy. Nilingon ko si Axis saglit, at hindi nawawala ang pagtatagis ng bagang niya, inirapan ko siya. May nagbago nga sa kanya pero para pa rin siyang bata kung umasta. Pagbalik ko ng clinic ay masama na ang mukha ni Cathy. Wala siya sa mood dahil nagsungit pa siya doon sa babaeng estudyanteng sinumpong ng dhysmenorrhea. "Normal lang yan, lagyan mo ng maligamgam ng tubig yung hot bag." Inutusan niya ang isa sa kasamang kaibigan ng babae. "Ngayon bumalik na kayo sa klase, wala kayong sakit diba? Bawal tumambay ang walang may sakit rito." Napaikot na lang ang mata ko, may special treatment talaga siya sa Axis Dmitrius Jalandon na yon. Alas tres ng hapon ay nagbukas na ang gate para sa uwian, pero itong si Axis ay dumaan pa talagang clinic, suot ang kanyang jersey at bash shoes niyang may mahabang medyas. "Ang pogi mo naman Axis." Humagihik si Cathy. Gustong manlaki ng mata ko kung paanong hindi siya naeeskandalo sa mga lantarang panlalandi niya o baka... masyado lang akong malisyoso kung mag-isip. Baka naman nahuhusgahan ko na siya dahil hindi ko gustong ginaganito niya si Axis? "Thanks," mahinang pasalamat ni Axis. Iginalaw-galaw niya lang ang mga labi niya sa bawat gilid na para bang nagiisip kung ano ang gagawin at binalingan ako. "Miss, training na, pinapatawag ka ni Coach," sabi niya sa akin. Napataas ang kilay ko. Nag-aayos pa lang ang mga atleta, bakit naman din ako ipapatawag ni Sir? Eh hindi naman basketball ang team ko. Iginalaw niya ng dalawang beses ang kilay niya na para bang naeexcite siya. "Mamaya na," sagot ko at kunyari ay abala sa nga papel, bahala ka diyan. Sa buong training ay hindi rin kami nagkaroon ng pagkakataon na balikan ang nangyari kanina sa labas ng clinic. Pauwi na kami nang pagsakay ko ng tricycle ay agad siyang tumabi sa akin, napapailing na lang ako. Sa biyahe ay sila ng mga atleta ko ang magkausap, siya rin ang nagbayad hanggang sa nakababa na kami. Tinignan niya ako nang lingunin ko siya noong papasok na ako sa kahoy na bakod, malungkot siyang ngumiti. "Ah– we had a feast dinner, would you like to- uh..." Nagkakamot siya ng kanyang batok na parang bang nahihiya sa pangaanyaya sa akin. Alam niya na siguro na tatanggi ako. "And?" Nakataas ang aking kilay na sagot. "Dinner?" tanong niya na may naiilang na ngiti. "You owe me." "Paano akong nagkautang sayo?" Natatwang tanong ko. "Hindi mo ako pinansin sa buong school year, Miss. At saka hindi ka rin pumunta sa victory party. Baka naman kahit ngayon lang... pumunta ka sa paanyaya ko." It was his first attempt at speaking in plain Filipino, and he actually did well, accent and all, which made it almost endearing. "It wasn't an invitation to impose my... love on you. Just—ahm... a request from a kid who misses his favorite teacher," he added. Nais kong matawa sa sinabi niya. Tinitigan niya ako na parang bang makonsiyensiya naman ako. Kaya napairap akong naglakad papunta sa gate ng lupain nila. Napasuntok ito sa hangin. Napapailing ako't napapangisi sa ginagawa niya. Siya ang nagbukas ng gate nila, pagkasara pa lang ay di na ako humakbang, ipinakita ko lang sa kanya iyong pagtataray ko. "So, I've got a scenario, it's just what if miss, alright, don't take it seriously," panimula nito. Ngunit nang mapansin siguro niyang wala akong balak na humakbang pa ay tumigil din siya at tuliyan akong hinarap. "Tapos na tayo sa usapin na iyon Axis, wag mo nang ungkatin ang tapos na, nangako ka, tuparin mo 'yon," sagot ko naman, dahil pakiramdam ko ay nahuhulaan ko na ang sasabihin niya. "Pano ka nakapag-comment agad, hindi mo pa nga narinig ang sasabihin ko." Natatawang sabi niya, ngunit ramdam ko ang kaba roon. "I'm sorry Axis, let's just enjoy the dinner. Kasi kung ako tatanungin mo, ayaw ko... ilang beses ko bang sasabihin iyon? Ilang beses kong isaksak sa kokote mong ayoko. Hindi tayo aabot sa scenario na papatol ako sa bata at estudyante ko pa, not unless, you're thirty, I might consider–" "Well you should, we've had a deal, remember?" Pinutol niya ang sinabi ko. "Let's see, sometimes deals expire as well," sagot ko. Nakita ko ang napakatinding sakit na bumaha sa mukha niya, pero ito lang naman ang alam kong gawin para hindi na kami mapunta sa sitwasyong mahirap ng takasan, kaya bago iyon ay ako na ang puputol nito. "I'll accept whatever you have to offer, miss. I'm not going to force anything here." He smiled politely, but the bitterness in his eyes was visible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD