"Ate?" napalingon ako sa tumawag sa akin. "Ginagawa mo?" Napatingin siya sa dala ko. "P-Pupunta ka? Hindi ba delikado sa lugar nila Vern?" napatayo siya. "Alam ba ni Kuya Sky 'to?" Wala si Sky. Bumalik ng barangay dahil may aasikasuhin. Huminga ako ng malalim bago umiling dito. "Hindi na kailangan. Hindi rin naman ako magtatagal doon. Ibibigay ko lang 'to kay Vern." Tukoy ko sa dala kong bag na may lamang pera pambayad ng utang. Marahas siyang umiling. Alam kong ayaw niya dahil wala siyang tiwala sa lalaking 'yon. Ako rin naman pero kailangan. Ayoko namang ma-involve si Sky dito. Tinulungan na nga niya ako tapos idadawit ko pa siya. Mas mabuti na 'yong wala siyang alam. Mapanganib ang kuta nila Vern at kung hihintayin ko pa na bumalik sila rito, posibleng mangyari 'yong ginawa nila n

