CHAPTER SIXTEEN

742 Words
Margarette's Ngayon na nga ang unang araw namin ni Izza dito sa ospital , training kami for one month , muka namang mabilis namin makakabisa ang mga set up dito. Ipinakilala na nga kami ni beon dito sa mga staffs na makakasama namin sa area kung saan kami maaassign. Hindi nya ako pinakilala bilang asawa nya , nagtaka ako kung bakit pero inisip ko na may malalim syang dahilan , at baka makaapekto ito sa magiging trabaho ko kaya hindi ko narin inintindi pa . Si nurse Seo ang naatasan na mag training samin , mabait sya at talaga namang napakaganda at makinis , naisip ko tuloy bakit kaya hindi pumili si beon ng mapapangasawa dito ,bakit ako pa ? . Sa Information kami unang nagtraining , alam naman na namin ni Izza to bale yung process nalang kung paano gawin dito ang pinag aaralan namin , halos parehas lang rin sa oians ,pinagkaiba nga lang ay dito masyadong hi-tech ,makikita talaga ang inovation sa mga ospital dito. Oras na ng break time at ito ang isa sa pinakahihintay namin , ang luch sa pantry ng ospital , noon ay sa kdrama lang namin napapanood to ngayon ay maeexperience na namin. Pinagtitinginan nga kami dito , marahil cguro ay ibang lahi kami , kami lang kase ni Izza ang pinay dito sinamahan naman kami ni nurse Seo kumain para alam rin namin kung saan ang pantry. Umaga pa ang huli naming kita ni beon , ni hindi ko sya nasilayan sa pantry , gusto ko man itanong kay nurse Seo pero nahihiya ako baka kung ano pa ang kanyang isipin. Nagpatuloy lang kami ni Izza na pag aralan ang mga ginagawa dito , bukas ay sa mga room naman kami magtitraining , ayoko muna isipin si beon ang mahalaga ay may trabaho na ko ulit at makakapagpadala kay ate. Uwian na , niyaya naman ako ni Izza na magtake out ng dinner namin sa malapit na resto diro sa ospital , di rin naman kalayuan ang apartment at pwedeng pwede lakarin. Sabi ko kay Izza kumain na muna kami at mag take out nalang , para kaseng nagutom ako kinulang ako sa kinain ko sa pantry kanina , habang kumakain ay biglang tumawag si beon , hinahanap kami ni Izza , sabi ko andito kami sa resto park kumakain sinabi ko rin na uuwi nalang ako , wala naman syang tinanong na iba hinintay ko ngang sabihin na susunduin nya kami pero wala. Matapos namin kumain ay naglakad na kami ni Izza , tuwang tuwa sya at finally sa hospital na kami nagtatrabaho , nagpicture nga kami at isinend sa GC namin at natuwa rin sila Saimoun na nakapasok na kami sa ospital dito , niyakag pa nga namin sila na baka gusto rin nila at ipapasok namin silang dalawa. Nakauwi na nga kami ,ni Izza pag pasok ko sa kwarto ay andon na si beon , nakaupo habang nagbabasa ng libro , tinanong ko kung kumain na ,ang sabi nya nga ay hindi pa , buti nalang ay nag take out kami ni Izza eto nalang ihahain ko kay beon. Inusisa ko nga si beon bakit parang iniiwasan nya ako sa ospital , ang sabi nga nya ay ipapakilala nya rin ako sa tamang panahon ,wag lang muna ngayon. Sumang ayon naman ako ,mas ok narin to baka rin kase isipin ng mga tao kaya pala special treatment kami ni Izza ay dahil sa asawa ako ni beon. Nang makapag pahinga ay naligo na ako at dumeretso na sa kwarto, natulog na ko agad dahil rin sa pagod ko di ko na kaya gumawa pa ng kahit anong gawain. Maya maya ay tumabi na sakin si beon , niyakap ako at natulog na kami , wala muna kaming sexy time ngayon pagod ako wala akong gana. Nagising ako ng six am , nine pa naman ang pasok ko kaya may oras pa ko maghanda ng breakfast namin ni beon , nagsabi na ko sa kanya na sabay na kami ni Izza papasok dahil alam ko naman na ayaw nya na makita kami ng mga tao sa ospital na magkasama. Umiwas ako ng hahalikan nya ko , gusto kong iparamdam na nagtatampo ako . Asawa nya ko pero parang wala lang ako pag nasa ospital kami , pilit kong iniintindi pero di ko maintindihan sarili ko bakit ako nagkakaganto , mahal ko nna ba si beon?. siguro nga kaya ko ito nararamdaman..

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD