Arshen's PoV:
Ilang araw na rin matapos ang insidenteng 'yun. Yung kissing session ang tinutukoy ko actually.
Gosh. Ang weird lang talaga. Everytime I close my eyes, that scene haunts the hell out of me. Biglang nagfaflash sa isipan ko.
I can't believe na nawala na ang aking precious first kiss-- err... I mean, nakatatlo na pala kaming kiss so far. Grabe talaga si Yana huhu. Hindi makatarungan!
'Pero duh, ginusto mo naman 'yun. Wag mo nang ideny.' Sabat ng mahadera kong utak.
Che! Pero may point naman talaga sya. Aish. Hindi naman ako indenial eh.
Lately, may something din akong nafifeel na hindi ko maexplain. The tingling sensation, 'yung pagbilis ng t***k ng puso ko, at marami pang iba.
Ganto 'yung mga nababasa at napapanood ko eh. Ayoko namang magconclude kaagad.
Oh my! Medyo may hint na ako kung ano 'yun, pero parang imposible naman 'yun eh. Dahil unang-una, straight kaming dalawa noh.
May isa pa akong inaalala, 'yung parents ko. They're continuously teasing me. 24/7! Grabe! Ayaw ko na huhu.
Mas lalong lumakas ang feeling nila na may namamagitan sa amin ni Yana after mahuli kaming nagkikiss. At take note, after that ay nakita nilang may hickey ako sa may partang collar bone ko.
Pwede bang ierase ko na lang sa utak nila 'yun? Ugh! Wala naman akong maisip na palusot kasi nga huli sa akto.
"Fren, dali! Baka malate tayo." Rinig kong saad ni Luxxe na syang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Kasama ko nga pala ang aking dalawang kaibigan, sya at si Laney. Wala kaming class which is good. That means free time naming tatlo. Actually, mag-uuwian na rin kasi. Last sched na kumbaga.
I heaved a sigh at nagpatianod na lang sa kanilang dalawa. Hinayaan ko na lang.
"Hayst. Bakit nga ba tayo nandito uli?" I asked nang umistop kami sa gymnasium nitong school. Malaki ito. May mini gymnasium din pero nandito kami sa main.
Pumasok kami sa loob at hindi ko maiwasang mapakunot-noo nang makita na medyo maraming students ang narito ngayon.
Anong ganap? Bakit hindi man lang ako nainform?
Nang may makita kaming bakante, mabilis kaming umupo. Tamang-tama at ang ganda ng view dito. Kitang-kita namin.
"May friendly fight kasi ang College of Tourism at College of Engineering at hindi pwedeng mamiss natin 'yun noh!" Pag-eexplain ni Laney.
Napatango-tango naman ako. So that explains why kung bakit medyo crowded ang gymnasium.
To tell you guys honestly, medyo maraming hmm... What do you call this? Ah! Alam ko na! Mga crush-able sa dalawang course na 'yun.
Libreng silay. Libreng tingin. Libreng cheer.
I smiled! Perfect ata ang timing. Baka makahanap ako ng crush dito hihihi.
"Mga Fafa ba ang maglalaro ngayon?" I asked them excitedly. But to my dismay, umiling sila bilang sagot.
"Hindi, fren! 'Yung mga pretty girls ang maglalaro ngayon." I shrugged because of that. Akala ko pa naman. Dibale, may plano naman siguro si Lord para sa akin.
"Tamang-tama dahil kailangan mo pang icheer si Miss Yana! Para naman lumayag 'yung ship naming dalawa."
Automatic na napangiwi ako nang marinig ko 'yun.
What the fork? Hanggang dito ba naman, aasarin ako kay Yana? Why naman ganon? Huhuhu.
"What do you mean by that? Ang lakas ng tama nyo ah. Wag nyo na kaming iship, hindi kami barko." Masungit kong asik. I heard them giggled. Che!
"Atsaka, paano kayo nakakasigurado na nandyan sya sa game? Ang dami kayang students ng College of Tourism." Dagdag ko pa. Parang mababa kasi ang possibility.
"Ayun sya oh." Luxxe said while pointing somewhere. Mabilis na sinundan ko ang direksyon na tinuturo nya.
Napakunot-noo naman ako nang hindi ko makita si Yana. "Wala naman sya ah." I said to them at ibinalik ang aking tingin sa kanila.
Now, isang mapaglarong ngisi ang nakita kong nakapaskil sa kanilang mga labi.
Oh shoot! Ngayon ko lang narealize ang ginawa nila ah.
"Hay nako, Arshen. Alam naman naming gusto mo na syang makita. Pasimple ka ha." Laney said. I shooked my head. They tricked me. Aish.
I faked a cough at itinuon na lang ang atensyon ngayon sa court. Inireready na ng mga staff 'yung paglalaruan ng dalawang department.
While waiting, panay ang kuha ko sa dala-dala naming popcorn. Ang sarap kaya. Lalo na 'yung cheese flavor.
Maya-maya pa, narinig ko na lang ang biglang pagsigaw ng crowd. Napangiwi naman ako dahil doon. Gosh! Ang sakit sa eardrum.
"I'm really excited na talaga!"
"Sino kayang mananalo?"
"Pupusta ako sa College of Tourism."
"Doon ako sa College of Engineering, Pre. Nandoon ang crush ko eh."
Ilan lang 'yan sa mga naririnig kong bulong-bulongan ng mga students na nasa tabi namin.
Kung ako ang tatanungin, hindi ko alam kung sino ang mananalo. Wala naman kasi akong hilig sa ganto kaya wala akong alam.
Ibinaling ko ang aking tingin sa pinag-uusapan nila.
My eyes widen in shock. Shems! Nandito nga ang mahal na reyna!
She's leading the College of Tourism. it's hard to say this pero ang lakas talaga ng dating nya. 'Yung tipong mapapatingin at mapapatulala ka kay Yana.
I can say na maganda rin naman ang mga kateam-mates nya pero kasi, kakaiba 'yung kanya.
I can't explain it. She's the epitome of beauty. Kahit na sabihin na may bandage ang right part ng face nya.
Walang emosyon itong naglalakad. Hindi alintana ang mga nagchecheer sa pangalan nya. Diretso lang talaga ang tingin nito hanggang sa makarating sya sa kanilang designated seats.
Nakita kong napalinga-linga sya sa crowd hanggang sa biglang nagtama ang mga mata naming dalawa.
Hindi ko alam kung bakit pero ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko.
Nakita kong napataas ang isa nyang kilay. She's mouthing 'What?'
Hmp. Ang sungit eh. Agad kong iniiwas ang aking tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.
Muli, narinig ko na naman ang pagcheer ng crowd. Kasing lakas din ito ng sa College of Tourism. I guess, ito na ang College of Engineering.
Dahan-dahang pumasok ang team nila. I can't deny na malakas din ang nilalabas nilang aura. They're beautiful too.
I'm busy scanning the players nang may mapansin ako bigla.
"Hala! Si Honey!" I said to my surprise. Hindi ako pwedeng magkamali. Sya nga talaga 'yun.
"Hala, Arshen. Kilala mo pala si Honey?" Laney said. I nodded my head as a response. Mukha atang nakalimutan na nilang nagmeet sila noong party.
"Ang tamis ng pangalan nya noh. Parang endearment." Saad naman ni Luxxe.
Suddenly, naalala ko si Yana. Aish. Kaya siguro nagalit ang isang 'yun nang binanggit ko ang pangalan ni Honey. Pero parang ang feeler ko naman.
Shivers run on my whole body when I felt that someone is staring at me. At eto pa, parang nakakatakot ang klase ng mga titig na ipinupukol nito sa akin.
Pamilyar na pamilyar. Parang alam ko na kung sino 'yun. Hayst. Bakit ba galit na naman sya?
Agad na nagstart na magwarm-up ang mga players. I can't help but to admire them.
To be honest, hindi ako marunong maglaro ng volleyball. Ang sakit kasi sa wrist then sa palm lalo na kapag malakas 'yung pumalo.
Maya-maya pa, isa-isa nang pinakilala ang mga player na maglalaro.
"Whooo!! Go College of Tourism!!"
"Fight lang nang fight, College of Engineering!!"
Mas lalo atang sumakit ang eardrum ko dahil sa naririnig. Grabe. Napatingin naman ako sa dalawa kong kaibigan at nakitang nakikicheer din silang dalawa.
"Kanino ba kayo nagchecheer?" I asked them.
"Of course kay Miss Yana." Sabay nilang sagot. "Kailangan nating isupport 'yung crush mo."
"Mygoodness. Hindi ko nga sya crush." Napahilot na lang ako sa aking sentido. Noong una ship, then ngayon naman ay crush.
Wala akong natanggap na sagot mula sa kanila. Instead, they smiled pero halatang may laman 'yun.
My attention shifted to Honey nang makitang sya ang magseserve. My mouth gaped when I saw how she did that.
I didn't know na marunong pala sya, or maybe, magaling sya sa laro na ganto.
Mukhang hindi 'yun ineexpect ng kalaban nila dahil hindi nila 'yun nasalo.
Honey smiled mischievously and looked at my direction. Ayoko ng maging feeler. Baka naman kasi hindi ako 'yung tinitignan nya diba?
Natapos ang first set at ang team nila ang nanalo. It's a good start. Hindi pa rin pumapasok si Yana. She's just looking or maybe, nagmamasid.
In the second set, nag 1-1. Naging 2-1 lang 'yun nang mag third set. Ang College of Engineering ang naglelead.
Suddenly, biglang tumayo si Yana while holding a number. 'Yun ang naging cause para mag-ingay ang crowd.
"Finally! Papasok na rin si Miss Yana."
"I can't wait na makita kung paano sya maglaro."
"Itotodo ko talaga ang pagcheer para sa kanya."
Sya ang magseserve and damn! Ang lakas nyang pumalo! Nasalo naman ng kalaban pero hindi kinaya.
Hindi ko maiwasang mapalunok. Parang ayaw ko syang galitin. Kawawa ako kapag nagkataon. Nakakatakot.
Hindi maipinta ang kanyang mukha. Mukha atang bad mood sya. She looked at me again at mabilis na umirap.
Ugh! Ano na naman bang ginawa ko?
Spike rito, set doon, serve rito and defend.
Dikit na dikit ang laban nilang dalawa. Walang gustong magpatalo. Kahit na sabihing friendly fight lang naman 'to. Alam kong natetense na ang lahat kung sino ang magiging winner.
Mas umigting pa iyon nang nagtabla ang dalawa sa score na 14-14. Pang-limang set na ito at sa 4 na set na nakalipas, tabla pa rin sila.
Nagspike ang College of Tourism pero hindi 'yun nahabol ng libero ng kalaban nila.
Gosh. Need na lang nila ng 1 point para manalo.
Sa kanila muli ang bola. Nagkaroon ng rally dahil sunod-sunod ang palitan ng bola sa magkabilang team.
When suddenly, nagset and si Yana ang papalo nun. Huli na ang lahat dahil hindi na 'yun nasalo ng kalaban nila.
"College of Tourism for the win!"
"Whooo! Ang galing mo talaga, Miss Yana! I love you!"
Mabilis na sinamaan ko ng tingin ang nagsabi nun. Aba't, magcocongratulate lang pero may pa I love you pa?
My friends are also jumpimg in joy. Hinanap ng tingin ko ang mahal na reyna pero hindi ko na sya nakita pa. Closing remarks na kasi.
While busy scanning the crowd, naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone.
From: YanaGalitSaMundo
Come here. Shower Room. Bilis.
I quickly bidded my goodbye to my friends at mabilis na nagpunta sa sinabi nya. Mabait kasi ako kaya ayaw kong pinag-iintay sya.
I was about to enter the shower room pero nang marinig ko ang lagaslas ng tubig, nagbago bigla ang isipan ko. I decided na sa labas na lang mag-antay.
Alam nyo naman si Yana, may pagkapilya. Mas mabuti na 'yung nag-iingat.
"Hi Arshen!" I looked at that someone at hindi ko maiwasang magulat.
"Oh Honey, ikaw pala 'yan. I didn't know na ang naglalaro ka pala ng volleyball." Nakangiti kong turan.
Napahawak sya sa kanyang batok. "Natalo nga kami eh."
I quickly chuckled because of that. Ang cute ng gesture nya. "Don't worry, ginawa nyo naman 'yung best nyo atsaka friendly fight lang naman 'yun."
Nakita kong parang nagdadalawang-isip sya.
"A-Ano... Can I get your number? I badly want to hang-out with you kasi."
My eyes widen. Did I heard it right? Gosh. Ang isang katulad nya, hihingin ang number ko?
"Didn't I said na off-limits na sya?" Someone interrupted. I stopped in my track. Oh shoot!
Sabay kaming napalingon ni Honey sa nagsalita. And there, we saw Yana na halatang kakatapos lang maligo.
Magkasalubong ang dalawa nitong kilay habang masama ang mga tinging ipinupukol nya sa amin.
Bakit parang ang sexy ng dating nya?
"Back off! Baka mapagkamalan kong bola 'yang mukha mo, mapalo ko ng wala sa oras." Ramdam na ramdam ko ang diin sa tono ng boses nito.
Wala ng nagawa pa si Honey at umalis na lang. Para na rin wala ng g**o.
Now, it's just me and her.
"Ugh! Such a flirt!" She exclaimed while looking at me. I bit my lips. Nako po. Naloko na.
She's walking and it seems like something is off. At bigla kong narealize kung ano 'yun.
Mabilis akong naglakad papunta sa kanya.
"Let me carry you. Alam kong pagod ka na." Hindi ko maiwasang mag-alala. Shock was written on her face at mukhang hindi nya ineexpect 'yun.
Tumalikod ako at lumuhod.
Maya-maya pa, naramdaman ko na lang ang pag-angkala ng kanyang kamay sa aking leeg.
I placed my hands behind her for support.
Nang okay na ang lahat, Dahan-dahan akong tumayo.
I just found myself smiling. Nababaliw na ata ako.