Chapter 22: I'll Be Your Girlfriend

1697 Words
Arshen's PoV: "Arshen, dali na." "Ayoko nga, Yana." I said at iniwas pa ang tingin sa kanya. On my peripheral vision, kitang-kita ko kung paano kumunot ang kanyang noo. Baka kasi mamaya, um-oo na lang ako. There's a part of me kasi na hindi sya kayang tiisin. Pero hindi! I need to be firm with my decision! Ayokong gumawa ng desisyon na magsisisi ako sa huli noh. She heaved a sigh na para bang pinapakalma nya ang kanyang sarili. I thought aalis na sya mula sa pagkakaupo sa aking kandungan pero hindi. Bagkus, inaayos nya lang pala ang kanyang pagkakaupo. Yes. Tama kayo nang pagkakabasa. She's sitting on my lap right now. Her arms are entangled on my nape. Actually, kanina pa 'yan eh. Kanina pa nya ako pinipilit na um-oo sa offer nya. Hindi ko maiwasang magulat syempre. Bakit naman 'yun pumasok sa isip nya diba? Just like what I said, she's unpredictable. She's really persistent. Hayst. My thoughts were interrupted nang marinig kong magsalita syang muli. "Ugh! Ano pa bang gusto mong gawin ko para lang pumayag ka?" Naghuhurumentado nitong turan. I gulped. Nako po, nasagad na ata ang pasensya nya. Feeling ko, anytime ay pwede na syang maging machine g*n. Ratatat. "Kinakausap kita nang matino at mahinahon pero ayaw mo pa rin talaga. Tsk." By now, I can say na nainiis na sya. It was written on her face. Ang cute. Napaismid naman ako bigla. Hmp. Eh ayaw ko nga. "Um-oo ka na lang, Arshen. Baka gusto mong sakalin kita eiyan. Tamang-tama ang pwesto ko ngayon." My eyes widen in shock and my mouth gaped. Hindi ko maiwasang matakot sa banta nya. Hindi makapaniwalang tinapunan ko sya ng tingin. She's wearing her serious-face-expression. Oh shoot! Kaya ba ganto ang position nya para always ready? "Y-Yana, naman..." Gosh. If I know, may isang salita ang babaeng 'to. Nakakatakot talaga. "Wag, hindi pa nga ako nagkakajowa eh." I startled when I heard that she giggled. "Precisely! Solve na ang problem mo! I'll be your girlfriend and hindi ka na magiging single." She said na para bang wala lang 'yun. Napahilot ako sa aking sentido. Ugh! Ang babaeng ito talaga oh. Nakakastress naman sya kausap. "Finally, mararamdaman mo nang mapunta sa isang relasyon." Dagdag pa nya. Ugh! 'Yung choice of words nya ay sobrang nakakatempt. "Straight nga ako." "Bakit? Ako ba hindi?" She said in a duh tone. "Atsaka hindi mo ba napapansin, lagi tayong pinagtatagpo ng tadhana?" Realization hits me like a truck. Damn. Oo nga noh! From the start, until now. Wow. Napaisip tuloy ako bigla. May point naman si Yana. "Pero hindi naman 'yun rason noh. Malay mo ay nagkataon lang diba." Pagrarason ko pa. Parang ang imposible naman kasi. Hindi ko mapicture-out if ever man na maging girlfriend ko sya. Atsaka, bakit naman ako magkakajowa ng dragon—— ayt, may lahi palang ahas ang isang 'to. "Pero hindi pagkakataon lang kapag tumama ito sayo." Itinaas pa talaga nya ang kanyang kamao at pinormang parang manununtok. I bit my lips. May pagkasadista pala sya huhu. Ayaw kong magkagirlfriend na may lahi ni Pacman. Baka lagi akong bugbog nito kapag nagkataon. She was about to say something nang biglang huminto sya. It seems like may naririnig syang something. Hmm... Parang tunog ng engine ng isang sasakyan? "Damn! She's already here." I heard she said. "Suite yourself, Arshen. Dali." At agad na umalis sa pagkakaupo sa akin. Sayang naman. Aish. Bakit nga pala sayang? Nevermind. I shooked my head at niready na ang aking sarili. I composed myself katulad nga nang sinabi nya. Napatingin naman ako sa aking wrist watch at nakitang past 6pm na rin pala. Hindi ko man lang napansin. Kinukulit kasi ang ng isang 'yun eh. "Yana, I'm done pwede na ba akong u——" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang walang habas nitong hinawakan ang aking pulsuhan. Mabilis ako nitong hinila papalabas. Wala na akong nagawa at nagpatianod na lang sa kanya. "Hey, dahan-dahan lang. Hindi naman halatang excited ka na makita ang step-mom mo noh?" I said. She quickly looked at me. "You're right yet you're wrong." Napakunot-noo naman ako dahil doon. Ano raw? Right tapos wrong din? Ang g**o nya ha. Pasimpleng pinasadahan ko sya ng tingin. There's something off with her. Kakaiba ang aura nya. Hindi ko mapoint out kung ano. "Manang, si Samantha po? Nasaan?" At sino naman 'tong si Samantha? "Nasa dining room na po ang step-mom nyo, Ma'am." That answered it all. Hmm. 'Yun pala ang step-mom nya. Pero bakit name basis ang tawag nya? Mamaya na nga lang ako makikichika sa isang 'yun. Hinila nya na naman akong muli papunta sa kanilang dining room. I unintentionally scanned the place. Ang ganda. Parang mansion na 'yung house nila. Ang galing din ng interior. Modern ang style. Well, marami silang mall at business, ano pa bang ieexpect ko? There, we saw a fine lady. Halatang sopistikado at respetado sya. She's also beautiful yet I think, she's strict. Sya na ba ang step-mom ni Yana? "Oh, the hard-headed woman is here." Hindi ko maiwasang mapapitlag nang marinig kong magsalita si Samantha. Ramdam na ramdam ko ang pagkasarcastic sa tono ng kanyang boses. "Anong rason at bakit nandito ka? I guess, may ginawa ka na namang mali noh?" Dagdag nya pa. Isang ngisi ang nakita kong nakapaskil sa labi ni Yana. "Aww... Kawawa ka naman. You're wrong. Masama bang bumisita rito? Afterall, house namin ito ng family NAMIN." Yana said while emphasizing the word 'namin'. Shock was written on Samantha's face. Maya-maya pa ay halatang nagalit sya. "How dare you?! Talagang sasabihin ko 'to sa Daddy mo!" Nangingitngit ang kalooban nitong turan. "Go on. 'Yun lang naman ang alam mong gawin. Ang magsumbong." Yana said in a bored tone. I'm speechless. Gosh. Hindi ko alam ang gagawin ko. I'm stuck here, watching them arguing. But by the looks of it, masasabi kong hindi magkasundo si Yana at ang kanyang step-mom. Speaking of, nakita kong nabaling ang tingin nya sa akin. "And who's this girl huh? Wait..." Saad ni Samantha na habang ineexamine ang aking mukha. "Oh, I remember. Hindi ba't sya 'yung nameet mo sa mall, Yana?" "Yes. Sya nga." "What the hell?! Ang tigas talaga ng ulo mo noh? Didn't I say na huwag na huwag kang gagawa ng bagay na ikakasira ng mall?!" Samantha looked at me at itinuro pa ako. "You! Magkano ang binayad nya sa'yo para lang manahimik ka?" Automatic na napataas-kilay ako. What the? Mukha atang hindi ko nagugustuhan ang sinasabi nya ha. "At bakit naman po ako babayaran ni Yana? For your information, matagal na po akong tahimik. " Gosh. Nakakainit ng ulo. "Relax, Samantha." Saad naman nitong katabi ko. "Before I forgot, may sasabihin nga pala ako." "This girl right here, she's my girlfriend." My eyes widen in shock. Ano bang pinagsasasabi nya ha? Kelan pa ako pumayag aber? Suddenly, I heard someone laughed, Yana's step-mom. "Are you f*****g kidding me, Yana? Damn. So gross. Kadiri. Talagang pumatol ka sa kapwa mo girl? Ang babae ay para lang sa lalaki. Tandaan mo 'yan." Samantha said and she's fuming in anger. Mahahalata rin ang pandiditi sa kanya. Mygoodness. Homophobic pala ang isang 'to. Nakakasakit sya magsalita ha. "And oh, mamahalin ka pa rin ba ng babaeng ito kapag nakita nya na iyang nasa right face at right eye mo? Dream on, Yana! You're not beautiful. Pera lang ang habol nyan sayo." Naramdaman kong napahigpit ang pagkakakapit sa akin ni Yana. That's it! I have enough! Nakakapuno sya ha. "With all due respect, Ma'am... ano naman kung girlfriend ako ni Yana? Wala kaming hinihingi sayo, okay? We love each other. Sorry pero para sa akin talaga si Yana." "And oh, about doon sa sinasabi nyong sa right face at right eye nya, matagal ko na 'yung nakita. At isa 'yun sa reason para mahalin ko pa sya. Her imperfections are so beautiful. Yana's irresistible." Gosh. Hindi ko na alam kung saan ko ba nakuha yung mga pinagsasasabi ko. Pero wait lang, para may kulang eh. "Atsaka hindi naman po ako contestant ng marathon para habulin ang pera nyo." Ayun, mabuti at naalala ko. Now, parang gusto kong matawa dahil sa naging reaction ng step-mom ni Yana. Nakanganga ito na para bang hindi ineexpect ang nangyari. Let's make it more worse. "Ito po piso, para naman may kausap kayo." At inilagay sa upuan na malapit sa kanya. Hindi ko na inaantay pa ang kanyang magiging reaksyon. Mabilis kong hinila papaalis si Yana. I found out that we're back on her room. I glanced at her at nakitang napakalalim ng kanyang iniisip. I lifted my hand and placed it on her left cheek. Marahang hinaplos ko ito. Napaangat ang kanyang tingin at nagtama ang aming mata. There's a hint of sadness on her eyes. "You're beyond gorgeous, Yana. There's no word to describe how beautiful you are. Always remember that." Malambing kong turan sa kanya. Suddenly, naramdaman ko na lang ang pagdampi ng kanyang labi sa akin. I closed my eyes at malugod na hinalikan sya pabalik. I gently bit her lower lip and plant small kisses on it. Ang mga kamay ni Yana ay nakalingkis sa aking batok habang ang akin naman ay nakalagay sa kanyang beywang. I hope in this kiss, maramdaman nyang nagsasabi ako ng totoo. That she's really beyond gorgeous. Her eyes that sparkles kahit na matatalim ang mga tinging ibinibigay nito sa akin. Kahit na laging nakakunot ang kanyang noo at handang pagalitan ako. I sucked at nibbled her tongue. We're completely devouring each other. I can't get enough of her lips. We're both gasping for air nang matapos ang aming kiss pero isang bagay ang nakapukaw ng aking atensyon. She's smiling. Hindi ko maiwasang mapatulala. Damn. I didn't know na may igaganda pa pala sya. Saglit lamang iyon pero hindi 'yun nakatakas sa aking paningin. "So crystal clear na pumapayag ka na Arshen?" Masungit nitong turan sa akin. I sighed in defeat. Wala nang atrasan 'to. "Yes. I'll be your girlfriend." Isang kakaibang ngisi ang nakita kong nakapaskil sa kanyang labi. Uh-oh. "Good. Don't forget that you're still my slave ha?" "Yes po, Commander."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD