Naalimpungatan si Jayson sa katok na kanyang naririnig na nanggaling sa kanyang pintuan ngayon. “Hey, bumakod ka na.” Rinig nitong sabi ng kanyang kapatid na nababagot ang tonada ng boses nito. Kaniya sana itong papalampasin dahil inaantok pa siya ngayon, subalit, hindi na siya makatulog, humiga pa siya ng ilang minuto’y pinakiramdaman ang kanyang pakiramdam kung makababalik pa ba siya sa pagtulog, ngunit, iniwan iyon ng kanyang pakiramdam, kaya nama’y dilat na dilat ang kanyang diwa. Napabuntong – hininga na lamang siya, tumigil na rin sa pagkatok ang kapatid niyang si Brandon, bumakod siya at naghikab, tiningnan niya ang oras, kapag sabado’y hindi talaga siya maagang nagigising. Kailangan na rin niyang kumain, dahil kumakalam na rin ang kanyang sikmura. Nanaog siya at patungo si Ja

