NINETEEN

1531 Words
Tahimik na nag – aantay si Aliya kay Daniel, tapos na niyang ihatid ang mga hayop na kanyang ginabayan. Lumilipad pa rin ang kanyang – isipan ngayon, dahil kinukulit na naman siya ng mga haka – hakang nabubuo sa kanyang isipan. Ang pinagtatakahan niya, kapag siya’y dumadalaw at naghahatid doon, maraming lumalapit sa kanyang mga hayop at naglalambing sa kanya. Nais niyang maalala kung ano ba ang ginawa niya sa mundo ng tao kung bakit ganoon siya kamahal nang mga ito. “Aliya?” tawag nito sa kanya. Nasalubong niya ang tingin ni Daniel na nagtataka sa kanya kung bakit siya nag – aantay rito. “Inantay mo ako?” Tanong pa nito sa kanya. Tumango na lamang siya. Hindi naman makapaniwala ang pagmumukha nito at mahinang napatawa na lang. Lumakad na sila noon. “Kumusta?” Tanong na lamang niya sa kanyang kasabayan ngayon. Napabuntong – hininga na lamang ito at tumitig sa kanya. “Kagaya ng sinabi ko sa iyo kanina, hindi tayo dapat makialam, sila na ang makakaalam kung ano man ang kanilang gagawing hakbang.” Sabi pa nito sa kanya at pailing – iling pa. “Wala ka na bang lalakarin?” Tanong pa niya rito. “Wala na.” “Mabuti naman, hindi ko kasi alam kung paano ko pakikisamahan si Isaac.” Napasabi pa niya rito. Alam naman niyang tahimik at misteryoso itong gabay, ito ang nag – uulat sa taas at tumatanggap na hindi naman trabaho ng isang gabay na kagaya nila. May narinig siyang mahinang tawa, kaya naman, napatingin na lamang siya sa taong kasama niya. “Kaya ba inantay moa ko ngayon?” Patawa – tawa pa ito na tiningnan siya. Hindi na lamang siya sumagot at napatango na lamang. “Ganoon talaga si Isaac.” Napailing pa ito sa kanya. “Daniel, dati mo na ba’ng kilala si Isaac?” Tanong pa naman niya. Napatitig ito sa kanya, hindi ito sumagot kaagad sa kanyang katanungan. “Bakit mo naman iyan naitanong?” Pabalik nitong tanong sa kanya. “Nakikita ko kasi na minsa’y nagsasama kayo at nag – uusap nang masinsinan.” “Ah, dahil siya ang nakataas sa ating mga gabay.” “Ang ibig sabihi’y hindi talaga kayo magkakilala noon pa?” Tanong na lamang niya rito. Napangiti na lamang ito napailing sa kanyang mga binabatong katanungan. “Napakakulit, oo kilala namin ang isa’t isa nang nabubuhay pa kami.” Napasabi pa nito. Napasinghap na lamang siya. “M – Magkaibigan ba kayo?” Tanong naman niya na iniwan siya sa kanyang kinatatayuan. “Hindi sa magkaibigan, kasa – kasama lang namin ang isa’t isa.” “Magkababata kayo?” Tanong naman niya rito. “Ang daming tanong a.” napasabi pa naman nito. Natutop na lamang niya ang kanyang bibig at papalihim na kinagat ang dila niya. Alam niyang masyado ng personal ang katanungan niya ngayon. “P—Pasensya na.” paghihingi na lamang niya ng paumanhin rito. Nairita na sa daming katanungan mo. Napagalitan pa siya sa kanyang munting isipan. “Wala iyon.” Napasabi pa na lamang nito sa kanya. “Hindi kami magkababata ni Isaac, nagkakilala kami na matanda na.” pilit pa itong ngumiti sa kanya. Nagbibigay pa rin ito ng konsiderasyon sa kanya, pinigilan na niya ang kanyang isipang magtanong. Nabiglang umilaw na naman ang orasan nito. “Sasama ka ba sa akin?” Tanong pa nito sa kanya. Tumango na lamang siya. Nag – aantay siyang may gagabayan siya, ngunit, wala pa rin siyang natatanggap na senyales sa kanyang orasan. Bilang taga – gabay pwede ka namang sumama kahit saan, dahil sinabi ng nakataas na may matutunan sa iba’t ibang taga – gabay ngayon. Nilamon sila ng kadiliman at iniluwa sila kaagad. Napakunot ang kanyang noo na lamang siya sa kanyang nakita ngayon. Baha? Napatanong na lamang sa kanyang isipan. XXX “Naninigil na ang kalikasan sa mga tao.” Bahagya siyang nakangiti noon na pinagmamasdan ang isang malalim na baha, lampas sa mga nagtataasang gusali, sinabayan nang malakas ng ulan. “Tiara.” Tanging narinig na lamang niya. Napatingin na lamang siya rito. “Hayaan mo akong magalak ngayon, Isaac.” Hindi niya pinansin ang babala ni Isaac sa kanya. Narinig niya ang palahaw ng mga taong nakulong sa baha. Alam niyang isa rin siyang tao noon, ngunit, kinamumuhian niya ito matapos masaksihan ang pinagagawa nito sa kalikasan. “Ayos lang ba ang mga hayop? Hindi ba sila iniiwan ng kanilang mga among tao?” Rinig niyang tanong sa isang boses na puno ng pag – aalala. Napatingin na lamang siya kung sino ang nagsasalita. Aliya. Kinamumuhian rin kita noon. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. “Ang mga tao’y gahaman, kaya nilang isakripisyo ang buhay na hindi mahalaga sila, para masagip ang kanilang sarili.” Napasabi na lamang niya, hindi niya tinitigan si Aliya. Malungkot itong napabuntong – hininga. “Tama ka nga.” Napansin niyang umiilaw ang orasan nito at may gagabayan ito. Nakita niya ngang may asong napabayaan sa loob ng isang tahanan, wala na ang mga tao, takot na takot ito dahil sa rumaragasang tubig na mabilis na tumataas, ang mga kahol nitong nagmamakaawang makalaya na kinakalampag ang mga kulungan nito, nakikita ni Tiara ang ibang katawan na wala ng buhay. Napapabuntong – hininga na lamang siya sa kanyang nasaksihan, nadamay ang mga inosenteng kaluluwa sa paghihiganti ng kalikasan. Napakuyom na lamang siya sa kanyang palad na’ng makita niya ang mga inosenteng hindi dapat madamay. “Babalik na muna ako.” Dala – dala nito ang ibang hayop na nalunod at namatay na hindi man lamang sinaklolohan ng sangkatauhan. Tumango na lamang ang kasama nito, siya’y tahimik lamang na nagmamasid. Umiilaw na rin ang orasang dala – dala ni Daniel. Narinig niya sa malayo ang ibang inaanod ng bah ana humihingi ng saklolo. “Tulong! Saklolo!” Sigaw nito nang ubod lakas. Ngunit, dahil sa pagragasa ng baha, dahilan din ng putik na kasama ng tubig, lumulubog ito na hindi makayanan ito. “Tulong! Tulong!” ito lang ang mag – isa, may mga taong nandoon, siguro’y naligtas ito ng mga rescuer, dahil ito’y puno na, hindi nila ito sinagip pa. Nagbubulag – bulagan at nagbibingi – bingihan ang mga nakasakay. Napailing – iling na lamang si Tiara. Sa panahon ng sakuna, makikita talaga ang tunay na kulay at budhi ng mga tao. “Hindi pa rin pala nagbabago, ano? Kaya nilang isakripisyo ang kauri nila.” Napasabi na lamang niya rito. Tanging ang naririnig na lamang ni Tiara ngayon ay ang pagragasa ng baha, ang paglakas ng ulan at ihip nang hangin na nagsasabing galit ito sa mga nangyayari. Kailangan mong iligtas ang sarili mo. Napalingon na lamang siya. May nakita siyang isang binata na nasa taas ng bubong. Nilalamig ito, dahil sa hanging lumalakas nang lumalakas kasabay ang malakasang pag – ulan. May yakap – yakap ito. Napansin ni Tiara na nakabalik na si Aliya noon at umiilaw na naman ang orasan nito. Kailangan mo kaming iwan. Napasabi pa ng kasama na yakap – yakap ito. Napansin niya ang yakap – yakap ng binatang nasa bubong ay dalawang aso, at dalawang pusa. Sa bandang huli’y iiwan din niya iyan. “Hindi ko kayo iiwan.” Pabulong na sabi nito. May dumaang mga rescuer ngunit, puno na at isang tao lamang ang pwedeng sumakay rito. Tiningnan ng binata ang kanyang mga alaga. “Dalian mo! Tumataas na ang tubig.” Sigaw ng isang rescuer. Sige na, kailangan mong maging ligtas. Kahol ng dalawang aso na tila nasasayahan. Nagdalawang – isip ang binata. “Mauna na lang po kayo.” Ngumiti pa ito sa rescuer. “Nahihibang ka ba?” Tanong pa ng isa. Ngumiti ito ulit. “Sila lang ang natitirang pamilya ko, hinding – hindi ko iiwan ang mga alaga ko.” Napasabi pa nito. “Huwag mo kaming sisihin.” “Hindi po ako magsisisi.” Napasabi pa nito. Walang pasabing umalis ito. “Magsasama tayo sa hirap at sa ginhawa.” Yinakap nito ang apat nitong alaga Unti – unting nilalamon ang bubong ng tubig at abot na sila noon. “Huwag kayong bibitaw sa akin.” sabi pa nito. Nalulungkot ang mga palahaw ng alaga ng binata. Nilamon na ito ng tubig – ulan, hindi na rin niya nakita iyon. Napailing – iling na lamang siya. “Sa sampung porsyento na sakim ang tao’y nandoon pa rin ang isang porsyentong may mabubuting loob pa rin ang mundong ginagalawan nila.” Tanging rinig niyang sabi ni Isaac. Nakita niya ang kaluluwa ng binata. Nalilito man ito ngayon, ay masaya itong kasama ang mga hayop. Ngunit, hindi pa rin magsasama ang tao at ang mga hayop. Alam niyang pinapaliwanag ito ni Daniel ngayon. Bigla na lamang lumitaw si Arkanghel Rafael, para sunduin ang binate. Nagpaalam ito sa mga hayop, subalit, masaya ang mga mata nito. Kinumpas ni Tiara ang kanyang kamay at bumalik sa kanilang mundo. Napansin niya si Aliya na inihatid ang mga inosenteng pusa at aso sa paraiso nito kung saan ito dapat maging masaya. “Kahit man may mabubuti, nilalamon pa rin ng kasakiman ang mundo nito.” Nasabi na lamang sa kanyang sarili at napailing – iling na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD