Chapter 1

1511 Words
Hapon na ako nagising pagkabalik ko sa tulog. Ilang oras na pala akong tulog kaya hindi ko masisisi na gutom na ako. Walang ayos ayos na bumaba ako ng kusina. Ako lang naman tao dito sa bahay kaya okay lang na naka-panty at maliwag natshirt lang ako. Ganito ako kung matulog. I'm Left Yumi Kyo, half japanese and half filipino. Weird ng pangalan ko dahil sa trip ng parents kong pagtripan ang pangalan namin magkakapatid. Yung panganay namin ang pangalan ay History Hiro, yung kakambal ko ay si Right Yuki, yung sumunod samin Legend Kim tapos yung triplets Frost, Ice, Cold tapos yung bunso namin for now dahil alam kong may kasunod pa, ang pangalan ay Leaf Yu. Kung ano makita nila o pumasok sa isipan nila, ipapangalan na agad samin magkakapatid. At ang sisipag ng parents ko dahil walo kaming magkakapatid at masusundan pa. Buti na lang mayaman kami kundi saan na lang kami pupulutin 'di ba? Sikat na business man si Papa at isang sikat na model naman si Mama pero ngayon ay may mina-manage syang coffee shop. Kahit na may walong anak na si Mama ay nakikita pa rin ang kagandahan nya at kasexyhan nya. Si Papa nandon pa rin ang kagwapuhan nya. Biglang kumulo ang tiyan ko. Nagugutom na ako. Buti na lang may natira pang ulam kahapon, hindi ko na kailangan pang magluto. Nakakatamad kaya magluto kaya puro delivery lang ako kaso baka panis na yung ulam na yon. Kahapon pa ng tanghali yung ulam na yon, eh anong oras na, alas dose na ng hapon. May narinig akong kaluskos ng tubig na naggagaling sa kusina. Nakalimutan ko bang patayin yon? Mukhang tataas ang bill ng tubig ko. Ayos lang sila Papa naman magbabayad. Pumasok na ako ng kusina at may nakita akong tao. "What the...sino ka?! Ano ginagawa mo dito?! Magnanakaw ka 'no?!" kinuha ko ang walis sa gilid ko at hinanda ang sarili. Langya napasukan ako! Nakalimutan ko din bang i-lock ang gate? Nagiging makakalimutin na ba ako? Tumaas kilay ko na umiiling iling yung babae at mukhang natatakot pa. Wow ah, natakot pa sya eh ang lakas ng loob nga pasukin ang pamamahay ko. Pero kung magnanakaw sya, bakit nililinis nya yung mga pinggan? "Sino ka?! Anong ginagawa mo sa pamamahay ko?!" sigaw ko. Nagtaka ako na kinuha nya yung sketch pad sa lamesa at nag-drawing ata? Sketch pad eh saan ba ginagamit yon, hindi ba sa pag-drawing? Iniharap nya sakin yung sketch pad, hindi pala sya ng drawing, nagsulat lang. Binasa ko ang nakasulat don Ako po ang maid nyo. Ako po si Nissan. Maid ko? Wala naman akong kinuha na maid ah! At tsaka bakit naman ako kukuha ng maid eh mas gusto kong mapag-isa kaya nga humiling ako kanila Papa na magsarili ng bahay. May nakasulat ulit sa sketch pad nya. Ako po yung pinadala ng parents ninyo. Nagtaka ako kung bakit sinusulat nya sa sketch pad yung sasabihin nya. Pipe ba sya? At tsaka sabi nya, pinadala sya nila Mama. "Okay okay! Kaya namin kayo pinatawag para sabihin ang condition." "Magkakaroon kayo ng maid sa bahay nyo! Happy?" What the f**k! Bakit nakalimutan ko ang tungkol don? hays! Ang saklap naman nito! May maid ako! Kapag nalaman 'to ng mga gago kong bestfriend walang araw na hindi nila ako aasarin tungkol sa maid ko. Ma'am nagugutom na po ba kayo? May niluto po akong kare-kare. Yun yung nakasulat sa sketch pad nya nung muli ako tumingin sa kanya. Pipe ba talaga sya? pero mamaya ko na tatanungin tungkol don at hahayaan ko muna na may maid ako. Nagugutom na ako. "Ihanda mo ako ng pagkain." utos ko at umupo sa lamesa. Mabilis na kumilos yung maid ko. Ano nga ulit pangalan nya? Nissin? noodles yun eh, Nissan? hindi ba branch ng kotse yon? Napatigil ako sa kakaisip ng pangalan nya nang iligay nya sa harap ko ang pagkain ko. Lalo akong nagutom sa amoy. Mukhang masarap. Sumandok ako sa kutsara ko at akmang susubuin ko na nang mapansin ko na nasa gilid si...ano bang pangalan nito? "Ano tinatayo tayo mo dyan? Dun ka sa sala, maglinis ka don!" malinis naman yung sala pero ayoko na nanonood sya sakin habang kumakain ako. Ano ako baby para bantayan kumain? Dali dali naman syang umalis. Masunurin pero kahit na, ayoko pa din sa kanya. Kakausapin ko mamaya si Mama na paalis itong maid ko at ibang condition na lang ang ibigay, basta wag lang 'tong magkaroon ako ng maid lalo na pipe pa! Habang kumakain ako ay tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumawag. Si Right. "Hello Left! Nakita mo na yung maid mo?" may halong pag-aasar na sabi nya. Kaasar ito, alam nya na ayoko na may kasama sa bahay tapos inaasar pa ako. "Oo, nakakainis nga eh." sagot ko. "Bakit naman?" "Pipe yung maid ko." "Huh? Hindi nga?" halata sa boses nya ang pagtataka. "Oo nga, gumagamit sya ng sketch pad para masabi yung gusto nyang sabihin. Putek si Mama kukuha na nga lang ng maid yung pipe pa!" banas na sabi ko. Kada magsusulat sya sa sketch pad nya ay ilang minuto o segundo ang nasasayang. Bakit kasi kumuha pa ng maid na pipe eh. "So sad pero mas malala ata yung akin eh." kumunot noo ko. "Bakit naman?" "Lalaki yung butler ko, sabi ni Mama kaya kinuha nya lalaki para may driver ako. Pagdating kaya nito dala yung kotse ko na hindi ko ginagamit." "Ano malala don? Buti nga nakakausap mo ng maayos yan kaysa naman sakin na kailangan magsulat pa sa sketch pad." sabi ko. "Hindi pa kasi ako tapos. Yung butler ko, nakakatakot! Ang sungit at laging naka-poker face. Mas sya pa yung amo kaysa sakin eh." natawa ako don. Baliw lang? Pwede naman na wag sya magpadaing sa sungit ng butler nya, sya yung amo, hindi yung butler nya. "Duwag ka kasi. Iniisip ko tuloy na bakla ka kasi wala ka pang girlfriend tapos yung butler mo takot na takot ka. Bakla ka ba Right?" biro ko. Alam ko naman na lalaking lalaki si Right sadyang antisocial lang sya. "Halikan ko kaya yang maid mo na malaman mong hindi ako bakla." may inis na sabi nya. Tumawa ako ng malakas. Napaka-defensive ng lalaking 'to. "Sige nga." hamon ko. Napatingin ako sa sala na nagwawalis yung maid ko. Sayang maganda sana pero pipe. Hindi ako lesbian o bisexual pero nakaka-appreciate ako ng ganda ng mga babae. "Tumigil ka nga baka kasuhan ako nyan eh. Sige bye na magbabasa pa ako ng libro." nailing ako, libro na naman. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Pagkababa ko pa lang sa lamesa ng cellphone ko ay may tumawag na naman. Sino naman 'to? Tinignan ko ang caller. Oh, ang isa kong gago bestfriend. "He--" "Kaliwa! Bar tayo mamaya! brokenhearted na naman si gunggong!"  sabi ko sa inyo gago 'to eh makasigaw ba naman sa cellphone, akala mo nakalunok ng megaphone. Hindi na kailangan i-loudspeaker 'to kung sakali, ang lakas ng boses eh. "Ano pa nga ba? Sige, pupunta na lang ako sa inyo." sabi ko. "Alright! Bye!" Hindi ba sya napapaos? Naisipan kong tawagan na si Mama tungkol sa maid ko. Ilang ring pa bago nya masagot. Sana naman hindi sila naglalandian ni Papa. "Hi sweetie. Kamusta?" Buti naman hindi sila magkasama ni Papa. "Ma--" hindi nya pinatapos ang sasabihin ko dahil pinutol nya agad ako. "No sweetie." hala sya, wala pa nga ako sinasabi no na agad. "You need her sweetie. Nalaman ko na puro ka noodles or delivery ang nakakain mo. Hindi ka na nakakakain ng lutong bahay. Nag-aalala na ako sa kalusugan mo." ang oa naman ni Mama kumakain pa din naman ako na masustansya na pagkain. "Eh Ma naman ayoko ng may kasama sa bahay. Kaya ko naman sarili ko eh." "Ah basta nandyan na yan kaya wala ka ng magagawa pa. At tsaka sabi nyo noon kahit anong condition hindi ba? So wag kayong umangal." "Ma naman! Ibang condition na lang basta wag lang maid! Tapos kinuha nyo pa para sakin isang pipe pa." "Sweetie! Hindi sya pipe." "Pipe sya, Ma. Hindi nga nagsasalita eh gumagamit pa ng sketch pad para lang masabi ang gusto nya. Pipe sya Mama." "Kung nandyan lang ako mapapalo na kita sa pwet." "Eh Mama totoo naman eh! Pipe sya!" naiinis na ako sa Mama ko, totoo naman hindi ba? Hindi sya nagsasalita tapos gumagamit pa ng sketch pad, malamang pipe sya. Napatingin ako sa maid ko na nakatingin pala sakin. May something sa mga mata nya na hindi ko matanto kung ano. Oh ano nangyari sa taong 'to? "May glossophobia sya anak. Fear of speaking." "Glossophobia?" ulit na tanong ko. "Paulit ulit?" Napa-poker face ako. Pilosopo 'tong Mama ko ah. "Bakit naman sya may ganong phobia?" tanong ko. "Hindi ko alam tanong mo sa kanya." ang ganda ng sagot grabe nakakaiyak. "Tsk...'di bale na lang basta sakin, pipe sya. Iba na lang ikuha nyo sakin kung ipagpipilitan nyo na magkaroon ako ng maid. Yung matino naman." "Masasapok talaga kita, anak. Hindi pipe si Nissan, takot lang sya magsalita at matino sya anak. Ikaw yung hindi matino dyan." "Matino ako 'no!" nakakainis talaga 'tong si Mama, sabihan ba naman akong hindi matino? "Whatever anak. Sige, bye na." "Ma!" Anak ng...binabaan ako. Tsk.. Tumingin ako sa maid ko. "Ano tinitingin tingin mo dyan? Maid ka hindi ba? Maglinis ka ng buong bahay!" nakakainis! Ayoko na may kasama sa bahay! Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. Aalis na lang ako kaysa makasama ang pipeng maid na yon. -----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD