Left's POV Nandito ako ngayon sa room nila Mama. Nakaupo ako sa higaan nila habang nakatayo naman sila sa harapan ko at seryosong nakatingin sakin. Hindi ako makatingin sa kanila, nakayuko lang ako at naghihintay na magsalita sila. Narinig kong bumuntong hininga si Papa. Napapikit ako dahil alam kong magsasalita na sya. "Tomboy ka ba Left Yuri?" napangiwi ako sa pagtawag sakin ni Papa sa buong pangalan ko. Seryoso na talaga sya. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakayuko. Ayokong munang magsalita dahil baka magalit sila. "Hangga't maari Left, tigilan mo na yan." sabi ni Mama. Napaangat ang tingin ko sya sa kanya. "Pero Ma.." sabi ko at yumuko ulit na mawala akong iba pang masabi. Tigilan? pano ko ito titigilan kung mahal ko na si maid at ayoko syang mawala sakin? "Akala ko naman

