Left's POV "Ma, may alam po ba kayo kung bakit hindi nagsasalita si maid?" tanong ko kay Mama habang nakatingin sa niluluto nyang ulam. Napatingin sakin si Mama na may ngiting nakakapang asar. Tinaasan ko sya ng kilay. "Ngayon pumasok na sa kokote mo na hindi pipe si Nissan." sabi nya. Napairap ako. "Pwede ba Ma? Sagutin ninyo na lang ako." dami pang sinasabi eh. "Hmm...hindi ko alam eh." mapapoker face ako sa sagot nya. Ang tagal nyang sumagot tapos hindi nya pala alam. Sarap ding bigwasan nito ni Mama eh. "Basta ang alam kong takot lang sya magsalita." pinagpatuloy nya ang pagluluto nya. Hindi ako nagsalita dahil alam kong may kasunod pa yon. "Tinanong ko sya kung bakit takot sya magsalita pero hindi nya ako sinagot at tila maiiyak pa sya non. Nagpanic ako kaya iniba ko ang usapan.

