Left's POV "Anong kalokohan 'to?!" sigaw ni Fin sakin. Nasa kalagitnaan pa din kami ng play kung saan na nalaman na ng parents ni Dion na gay sya at may affair sila ni Charlie. "Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagawa mo?! nagkagusto ka sa kapwa mo lalaki?!" Nanatili akong tahimik at nayuko habang sinesermonan kuno ni Fin. "Isang kahihiyan sa pamilya ang ginawa mo! ano na lang sasabihin ng mga tao satin? hindi mo man lang inisip ang pamilya mo bago mo ginawa ang kalokohang ito!" "Hindi ito kalokohan Dad! totong mahal ko si Charlie!" inis na sabi ko. Nagulat ako ng sampalin nya ako. Shet ang sakit non ah! hindi ako ready sa sampal nya. "Anong mahal ang pinagsasabi mo?! kasalanan sa diyos ang magmahal ng kapwa nya kauri!" "Anak, tama ang ama mo. Tigilan mo na ito." sabi ni Nike, sya ang gu

