Left's POV Nakaupo ako ngayon sa living room habang hinihintay si maid na bumaba. Kanina pa sya sa taas, magkakalhating oras na pero hindi pa din sya bumababa. Gaano pa ba katagal ang hihintayin ko dito bago pa sya makababa? ayoko naman sya puntahan sa kwarto dahil baka imbis na magswimming kami iba pa ang magawa. Narinig ko ang pagsara ng pinto sa itaas kaya tumayo na ako at kinuha ang jacket ko tsaka isinuot sa katawan ko. Hinintay kong makababa si maid na makaalis na kami. Napansin ko ang sun glasses ko sa coffee table kaya kinuha ko yon at nilingon na si maid. "Are you..." nabitawan ko ang sun glasses ko at hindi na naituloy ang sasabihin ko na makita ko si maid. Iginala ko ang mga mata ko sa buong katawan nya. Napatigil lang ako sa bandang tyan nya. Shet! kulang na lang kanin eh!

