SA gabing iyon napanaginipan na naman ni Alaina na nasa ilalim siya ng tubig. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hawak na niya ang kamay nang isang lalaki. It feels like the continuation of her past dreams. Sa pagkakataong iyon din ay may awareness na siya kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Hinatak siya ng lalaki pataas at tila walang lakas ang katawan niyang sumunod lamang sa hatak na iyon. And then he hugged her underwater. In her dream, despite the feeling as if she was running out of breath, she felt relieved when she felt his body against hers. Na para bang ang kaalamang nasa mga bisig siya nito ay patunay na ligtas na siya. As if she was finally home… Naalipungatan si Alaina sa mahina at tila maingat na pagbubukas ng pinto ng kaniyang silid. Nakatalikod siya sa dire

