Chapter 25

1314 Words

SA taong iyon yata ang pinaka-boring na kaarawan para kay Alaina. Weekend kaya walang pasok sa school. At dahil nga weekend, hindi basta makakaalis sa trabaho ang papa niya dahil maraming customer na kailangan ipagluto sa hotel. Tuloy ay mag-isa siya sa apartment nila ng papa niya, nakapamaluktot sa sofa at nanonood ng news program sa telebisyon na puro tungkol sa mga rebeldeng grupo, aksidente at k********g groups na lately ay palaging laman ng mga balita. Bigla tuloy niyang naaalala ang sinabi ni Randall na naging karanasan nito noon. At kapag nangyayari iyon nalulungkot siya dahil na-mi-miss niya ito.             Dalawang buwan na silang hindi nagkakausap at nagkikita at pakiramdam ni Alaina taon na ang lumipas sa pagitan nilang dalawa. Habang lumilipas ang mga araw ay lalong tumitind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD