Chapter 5

1260 Words
NAPAHINGA ng malalim si Randall nang ma-click na niya ang send button sa email niya. Naipadala na niya ang trabahong pinapagawa sa kaniya ng ama niya na due para bukas. Nahilot niya ang pagitan ng kaniyang mga mata at isinandal ang ulo sa headrest ng leather couch kung nasaan siya buong umaga. Ipapahinga lang niya sandali ang sarili dahil marami pa siyang kailangan gawin sa mga susunod na araw. Since he was thirteen, his father had given him business related-paperworks to work on. Sa simula ay mga simpleng paperworks lang na unti-unting naging komplikado sa paglipas ng panahon. Ayon kay Abel Qasim, training daw iyon para sa nakatakda niyang pagmamana sa Oil Empire ng pamilya nila kapag nasa hustong gulang na siya. Mula pa nang magkaisip siya ay palagi na siyang iniikot ng kaniyang ama sa iba’t ibang opisina at oil plantation para maging pamilyar siya sa pasikot-sikot ng negosyo nila. His father has been training him since he was young. Hindi lang sa teknikal na bahagi ng negosyo kung hindi sa kung paano siya makikisalamuha sa ibang tao. Buong buhay ni Randall ay itinatak ng kaniyang ama sa utak niya na hindi siya pangkaraniwang tao. That he will be on the top of the social ladder when he grows older. Na kahit mga presidente ng mga bansa ay yuyukod sa kaniya. And that he must act and talk as such. Kaya dapat mag-ingat din daw siya sa pakikisalamuha sa iba. He must not allow anyone to get close to him. Dahil lahat daw ng tao ay gagawin ang lahat upang mapalapit sa kaniya para sa sariling motibo. Never trust anyone but yourself. Iyon ang paulit-ulit na paalala ng kaniyang ama. At ilang beses na bang natagpuan ni Randall ang sarili sa sitwasyong nagpapatunay ng mga salitang iyon? Ilang beses na bang may lumapit sa kaniya dahil may kailangan sa kaniya at sa pamilya niya? He had even been betrayed by the first girl he ever liked before in the worst way possible. Ngayong labing walong taong gulang na siya ay nakasanayan na ni Randall ang pagsabayin ang pag-aaral at ang mga pinapagawa ng kaniyang ama. After all, hindi naman iyon mahirap gawin para sa kaniya dahil ipinanganak siyang may mataas na IQ. Madali na rin para sa kaniya ang sundin ang paalala nito na huwag magtitiwala sa kahit na sino. It’s better that way. May kumatok sa pinto at dumeretso ng upo si Randall bago nagsalita, “Enter.” Bumukas ang pinto at pumasok si Yolly, ang taong nag-aruga sa kaniya mula pa noong ipinanganak siya. Mas marami silang pinagsamahan kaysa sa sarili niyang mga magulang. “Lunch is ready,” sabi ng may-edad na babae. Sa sinabi nito muling gumitaw sa isip ni Randall ang mukha ni Alaina. Tama siya ng hinala na bago lamang sa mansiyon ang babae nang makita niya ito kaninang umaga sa terrace. Sa totoo lang ay hindi siya nagkaroon ng pakielam sa mga helper ng pamilya niya kahit kailan.  In fact, he cannot tell them apart. Subalit may iba kay Alaina. Hindi ang mismong mukha ng babae kung hindi ang facial expressions doon. Lalo na kaninang umaga, nang tingnan siya nito na para bang gusto nitong umiyak. She has the softest eyes that he had ever seen. Natauhan lang siya sa pagtitig sa mga matang iyon kanina nang humakbang ito palapit sa kaniya at umangat ang kamay na tila ba nais siyang hawakan. Natauhan siya dahil isa iyon sa pinakaayaw niya sa lahat. He hated being touched. Subalit kahit ganoon napukaw na ng kaunti ang kuryosidad ni Randall para sa babaeng iyon. Kaya nang sabihin ni Yolly sa almusal na bago ang kitchen staff nagdesisyon kaagad siyang makilala ang mga iyon. That was when he learned her name. Subalit nang aalis na si Alaina kasama ang ama ay natagpuan niya ang sariling inuutusan itong bumalik sa kaniya. As for why, he blamed it on his curiousity. “Master Randall?” untag ni Yolly sa kaniya. Tumayo siya at binura sa isip ang babae. Isinara niya ang laptop bago naglakad patungo sa pinto. “Let’s go,” sabi na lamang niya. Bumukas ang pinto at nakita niyang si Abdul ang nagbukas niyon para sa kaniya. Lumabas siya at umagapay sa kaniya si Yolly. Kahit hindi siya lumingon alam niyang nakasunod sa kanila sina Abdul at Salem. Noon ay si Salem lang ang tumatayong bodyguard niya. Subalit dalawang taon ang nakararaan idinagdag ng kaniyang ama si Abdul. Hindi na nagreklamo si Randall dahil alam niyang iyon lamang ang magbibigay ng kapanatagan sa mga magulang niya. Isa pa, nangako siya sa sarili niya noon na makikinig na siya sa mga magulang niya. Na hindi na siya magpapadala sa bugso ng emosyon. Emotions are just a sign of weakness and he doesn’t want to be weak. Not anymore.   “ROSY, hindi ko alam na nakakaintindi pala si Master Randall ng tagalog,” sabi ni Alaina habang naglilinis sila sa kusina. Tapos na kumain ng tanghalian ang lalaki at siya ang naghuhugas ng mga pinagkainan at ginamit sa pagluluto katulong si Rosy. Tapos na rin naman silang kumain kaya ang papa niya ay pinagpahinga niya muna sa silid nila. Ang mayordoma naman at ang iba pang kasambahay doon ay abala na uli sa kani-kanilang trabaho. “Siyempre, lumaki siya na puro Pilipino sa paligid niya. Kahit si Ma’am Yolly, nagsasalita rin ng tagalog palagi. Natutunan na lang ni Master Randall ang lengguwahe sa pakikinig niya. Hindi iyon mahirap para sa kaniya kasi alam mo ba, genius daw si Master Randall. Mataas daw ang IQ. Ang galing hindi ba?” sagot ni Rosy. Namilog ang mga mata ni Alaina. “Wow nga. Ang dali siguro para sa kaniya ng lessons sa school. Anong college siya nag-aaral?” tanong pa niya. Kunot ang noong tiningnan siya ni Rosy. “Hindi pa college si Master Randall. Eighteen pa lang siya.” “Ha? Talaga? Mukha siyang mas matanda kaysa sa edad niya.” “Malaki kasing lalaki ano?” “Hindi lang iyon. Iyong aura niya, parang matanda.” Nagkibit balikat si Rosy. “Kahit sino namang maging tagapagmana ng bilyon-bilyong kayamanan mag-ma-mature kaagad. Iba talaga si Master Randall sa lahat.” Napatango si Alaina dahil iyon din ang tingin niya. “Hindi siya mukhang masaya,” nausal niya. Natigilan si Rosy at napatingin kay Alaina. “Masyado ka yatang interesado kay Master Randall?” Nag-init ang mukha niya at idinaan sa tawa ang hiyang bigla niyang naramdaman. “Natural lang naman siguro iyon Rosy. Siya ang amo natin eh. Ngayon lang ako nakakita ng taong katulad niya. Kaya hindi ko maiwasan ma-curious.” Tumango-tango ang babae. “Pero hanggang doon lang dapat ang interes mo, Alaina.” Humilig pa sa kaniya si Rosy at saka bumulong. “Mahigpit sina Master Abel at Madam Reira pagdating sa mga taong lumalapit sa anak nila. Kahit si Ma’am Yolly mahigpit. Kapag nalaman niya na masyado kang interesado kay Master Randall pagagalitan ka ‘non.” “Alam ko naman iyon,” sabi ni Alaina at ibinalik na ang atensiyon sa hinuhugasan niya. Naisip niya, kung mahigpit ang mga magulang ni Randall sa mga nagtatangkang lumapit dito, may malapit kayang mga kaibigan ang lalaki? Nakakalungkot naman kung wala. Natigilan si Alaina nang mapagtantong kay Randall na naman napupunta ang isip niya. Umiling siya at hinamig ang sarili. Curious lang ako. Iyon lang. Iyon ang paulit-ulit na sinabi niya sa isip niya hanggang sa tingin niya ay nakumbinsi na niya ang kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD