Chapter 16

1642 Words

Pasimpleng huminga ng malalim si Alaina at inalis na ang tingin sa lalaki. Tiyempo namang sinensyasan siya ng isang helper na lumapit sa isang lamesa. Hinamig niya ang sarili at mabilis na kumilos palapit sa mga guest na tumawag sa kaniya. Tinanong ng isang guest ang putaheng kinakain ng mga ito at nakangiting sinagot niya ang lahat ng tanong nito. Nang sabihin ng mga guest na masarap daw ang mga pagkain ay tumamis ang ngiti ni Alaina. “I will gladly tell the Chef that you enjoyed his cooking,” magalang na sagot niya. Matamis pa rin ang ngiti sa mga labi na nag-excuse na siya sa lamesang iyon at naglakad pabalik sa puwesto niya sa buffet table. Nag-angat siya ng mukha at sumikdo ang puso ni Alaina nang sa hindi niya malamang dahilan ay natagpuan niya ang sariling nakatingin kay Randall na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD