Chapter 9

1192 Words

“IBANG klase, kahit lasa ng ice cream dito, iba. Mas malinamnam at masarap,” bulalas ni Alaina sa pagitan ng pagsubo sa ice cream na nakalagay sa glass bowl at kailangan kutsarain. Nakaupo na sila sa loob ng ice cream café, malapit sa glass wall kasi gusto niyang makita pa rin ang nasa labas habang kumakain sila. Nasa pandalawahang lamesa sila ni Randall dahil kahit anong alok ang gawin niya kay Salem tumanggi ang lalaki na saluhan sila sa pagkain. Nakapuwesto lang ito ilang metro ang layo mula sa kanila at tila estatwang nakatayo. “It tastes normal to me,” komento ni Randall na napilit niyang bumili rin ng ice cream para sa sarili nito. Sa tuwing sumusubo ito hindi niya maiwasang mapatitig dito. Si Randall lang yata ang nakita niyang kahit pagkain ng ice cream may finesse. O mas taman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD