LUMUBOG na ang araw nang magbalik sina Alaina at Randall sa mansiyon. Pagkagaling kasi nila sa swimming pool naglakad-lakad muna sila para matuyo ang mga buhok nila. Maaliwalas pa rin ang ekspresyon sa mukha ni Randall habang nasa sasakyan sila pauwi kaya kahit si Alaina may ngiti sa mga labi. Subalit nang huminto na sa tapat ng front door ang limousine at makita niya na naghihintay sa labas ng pinto ang mayordoma na si Yolly ay nawala na ang ngiti niya. Kahit si Randall naramdaman niyang natensiyon at naging seryoso na naman ang ekspresyon sa mukha. “Something happened while we are outside,” biglang sabi pa ng lalaki habang hinihintay nilang buksan ni Salem ang pinto sa tabi nito. “Paano mo nalaman?” takang tanong ni Alaina. “She never waits infront of the door unless something happen