Agad na lumapit ang isang waiter at binigyan si Alaina ng brewed coffee nang nakapuwesto na siya sa paborito niyang lamesa. Unlimited kasi iyon sa restaurant nila kapag umaga. Habang hinihintay ang pagkain niya ay iginala ni Alaina ang tingin sa paligid. Marami silang customer. Malapit kasi sa mga commercial buildings ang puwesto nila kaya ang mga nagtatrabaho sa mga gusaling iyon ay sa kanila kumakain. Dahil doon kaya mayroon pa silang private room sa isang bahagi na nakalaan para sa mga may business meetings over breakfast, lunch and dinner. Nang muling igala ni Alaina ang tingin sa paligid wala sa loob na binilang niya ang mga lamesa. Pagkatapos ay naalala niya ang mga basket at boquet ng orchids na nasa opisina nila. May naisip siyang ideya. Alam niya na marami silang mali

