Chapter 20

1520 Words

DALAWANG linggo ang matuling lumipas matapos ang gabi ng kaarawan ni Randall. Pero mula ng gabing nagkausap silang dalawa tungkol sa damdamin nila ay hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Alaina na makalapit muli sa binata. Paano ay palagi nitong kasama si Diana Medici na hindi tulad ng ibang mga bisita ay nagpaiwan sa mansiyon upang magbakasyon daw.             Palagi tuloy naaalala ni Alaina ang eksenang nakita niya noong umagang nagtungo siya sa pool area upang magpahinga sandali. Naramdaman niya na may nakatingin sa kaniya noon kaya napatingala siya. Natatandaan niya na ang saya pa niya nang makitang si Randall ang nakatayo sa may staircase at nakatingin sa kaniya. Nanigas lang ang ngiti sa mga labi niya nang makitang kumapit sa braso ng lalaki si Diana Medici. Natakot siyang makita ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD